• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P50 milyon inilaan ng Kamara sa COVID-19 vaccine

Naglaan ang Kamara ng P50 million mula sa kanilang internal funds para sa COVID-19 vaccination ng kanilang empleyado,  House media at lima sa pamilya ng mga ito sa oras na maging available na ang bakuna sa Pilipinas.

 

Mismong si Speaker Lord Allan Velasco ang nag-anunsyo nito sa isang media forum.

 

Gayunman, sinabi ni Velasco na hindi muna makakasama sa libreng bakuna ang mga congressmen at maging ang mga partylist.

 

“We’ll start to get the vaccines first for the employees and the media and their families. If there are supplies left then that’s the time we use them for the House members and also 5 of the immediate members of their family,” ayon kay Velasco.

 

Sinabi pa ng Speaker na ang COVID vaccine ay magmumula alinman sa Chinese pharmaceutical company na Sinovac o British firm na AstraZe­neca  na depende kung alin ang magiging avai­lable na sa merkado ng bansa sa unang bahagi ng 2021. (ARA ROMERO)

Other News
  • Mark Wahlberg Reveals Why ‘Father Stu’ Is His Most Important Film To Date

    MARK Wahlberg, the star of the upcoming biographical drama Father Stu, reveals why he thinks it’s the most important film of his career to date.     Helmed by first-time director Rosalind Ross, Father Stu follows the real-life story of Father Stuart Long, a boxer-turned-priest who inspired myriad people in his journey from self-destruction to redemption. All the while, he was […]

  • NA-LOCKDOWN NA BARANGAY SA MAYNILA, LUMOBO PA

    LUMOBO pa ang bilang ng mga barangay na kailangan i-lockdown ng pamahalaang lungsod ng Maynila dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.   Kabilang sa isasailalim sa apat na araw na “lockdown” ang anim pang barangay sa lungsod makaraang makapagtala ng sampu o higit pang kaso ng sakit.     Sa nilagdaang Executive Order no. […]

  • OA SA PANIC-BUYING

    KALAT nasocial media ang mga insidente ng panic- buying kung saan nagkakaubusan na raw ng suplay ng alcohol, hand sanitizer, tissue, face mask at iba pa sa gitna ng outbreak ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).   Kaugnay nito, agad na umapela ang gobyerno sa publiko na iwasan ang pagse-share ng mga hindi beripikadong impormasyon dahil […]