P500 ayuda sa mahihirap ipapamahagi na
- Published on June 11, 2022
- by @peoplesbalita
IPAMAMAHAGI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P500 subsidy sa mga mahihirap na pamilya bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30.
Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, inaayos na lamang nila ngayon ang mga kaukulang dokumento para maipamahagi na ang ayuda.
Nasa 12.4 milyong pamilya ang makatatanggap ng tulong.
Noon pang buwan ng Marso iniutos ni Pangulong Duterte na bigyang ayuda ang mga mahihirap na pamilya para makaagapay sa pagtaas ng presyo ng bilihin dahil sa pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.
Sinabi pa ni Dumlao na ina-account na lamang ang mga mahihirap na pamilya na mayroon nang mga existing na cash cards para agad na mahatiran ng first tranche ng subsidy.
Una nang sinabi ng Department of Budget and Management na matatanggap ang P500 ayuda sa loob ng tatlong buwan lamang. (Daris Jose)
-
Alert level system para sa Covid-19 response, ipatutupad na sa buong bansa
IPATUTUPAD na sa buong bansa ang alert level system para sa Covid-19 response. Ito’y matapos tintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order No. 151 araw ng Nobyembre 11. Malinaw na nakasaad sa EO na obligasyon ng estado na protektahan at itaguyod ang karapatan sa kalusugan ng mamamayan nito. Iyon ang […]
-
Gatchalian may malaking papel na gagampanan bilang Kalihim ng DSWD
KUMPIYANSA si Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, Jr., sa gagampanang papel ni Valenzuela Rep. Rex Gatchalian bigang bagong talagang kahilim ng Department of Social Welfare and Development DSWD). Ayon kay Barzaga, ito ay bunsod na rin sa maayos na record ng mambabatas na nagsilbing local chief executive at kongresista. Nagsilbi ng […]
-
Pormal na dayalogo sa isyu ng nurses shortage sa government hospitals, gawin
HINIKAYAT ng chairman ng House Committee on labor and employment ang pagsasagawa ng dayalogo upang matugunan ang kakulangan sa nurses sa mga government hospitals sa bansa. Ayon kay Rizal Rep. Fidel Nograles, chairman ng komite na una dapat magsagawa muna ng dayalogo at magbuo ng istratehiya para mabigyan ng long term solution ang […]