• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P500 cash assistance, bigay ng mga pulis sa mahihirap na mag-aaral sa Tondo

SINIMULAN   na ng Manila Police District (MPD)-Moriones Station ang pagbibigay ng buwanang cash assistance sa ilang pinakamahihirap na mag-aaral ng Isabelo Delos Reyes Elementary School sa Tondo, Manila kahapon ng umaga.

 

 

Nabatid kay Moriones Police commander PLtCol Harry Lorenzo III, na 35 mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade VI na pinakamahihirap sa kanilang batch ang nabigyan ng tig-P500 na allo­wance na isasagawa kada buwan.

 

 

Alas-10 ng umaga nang umpisahan ang program sa pag-aabot mismo ni Lorenzo ng cash assistance kay Mrs. Eleodora Vergara, punong-guro ng paaralan.

 

 

Katuwang sa pamamahagi ng cash assistance ang Manila Chinese Action Team (MCAT), station advisory group at maging ang Divisoria Rider’s Club.

 

 

Ang nasabing programa ay bahagi ng pag-aadopt sa mga piling mag-aaral ng PNP na dapat ayudahan.  Bahagi rin ito ng SAFE (Seen, Appreciated, Felt and Extraordinary) program ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na hindi lang sa paglaban sa krimen dapat maramdaman umano ang mga pulis. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Rep. Tiangco sa mga LGUs, suportahan ang EPAHP kontra gutom

    HINIMOK ni Rep. Toby Tiangco ang mga local government units (LGUs) na patuloy na suportahan ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na wakasan ang gutom.   “We want to encourage all LGUs to support the implementation of the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) and bolster the government’s efforts to fight hunger,” ani Tiangco.   […]

  • Marcial, 3 pang Olympic-bound magsasanay sa Amerika

    Hindi lamang si middleweight Eumir Felix Marcial ang ipapadala ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa isang training camp sa Colorado Springs, USA.     Magsasanay din sa na­sabing kampo ng US boxing team sina Olympic-bound flyweight Irish Magno, fea­therweight Nesthy Petecio at light flyweight Carlo Paalam, ayon kay ABAP president Ricky […]

  • Kapuso couple Juancho Trivino and Joyce Pring sa bagong bahay na nila magpa-Pasko

    Nakalipat na sa kanilang bagong bahay ang Kapuso couple na sina Juancho Trivino and Joyce Pring o mas kilala na Juanchoyce.   Tamang-tama lang daw ang paglipat nila dahil malapit na ang Pasko at baka nag-celebrate sila with their family sa new house.   “Simple lang. Actually, we haven’t planned yet pero gusto namin intimate […]