• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P500 HAZARD PAY SA MGA EMPLEYADO NG MANILA CITY HALL

MAKAKATANGGAP ng P500 kada araw na hazard pay ang lahat ng city employee ng Maynila na nag report sa kanilang trabaho sa panahon nh enhanced community quarantine (ECQ)

 

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ,ito ay iyong nagsipag report na empleyado mula Marso 17 hanggang Mayo 15,2020.

 

Nabatid na ipinasa ng Manila City Council unanimously sa pangunguna ni Vice President Honey Lacuna, ang isang city ordinance na maglalaloob sa mga empleyado ng ‘COVID-19 hazard pay.

 

Ito umano ay bilang pagkilala sa pagsusumikap ng mga empleyado na makapasok sa trabaho sa kabila ng banta ng COVID19.

 

Nalaman na inaprubahan ng Manila City Council ang may P151 milyon para sa hazard pay.

 

Samantala nilinaw naman ni Council Majority leader Councilor Joey Chua na hindi kasama sa hazard pay ng Lungsod ang mga barangay officials dahil hindi naman sila ikunukunsidera bilang city employees.

 

Kung may pondo ang mga barangay doon dapat kunin ang kanilang hazard pay na hindi lalampas sa P500 kada araw alinsunod sa Administrative Order No.26 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte

na naging basehan ng pagpasa ng of Ordinance No. 8667.

Ayon kay Moreno,ang budget para sa ordinansa ay kukunin sa Personal Services and Special Activities fund at Maintenance at iba pang Operating Expenses ng siyudad.

 

Kabilang sa bibigyan ng hazard pay ang mga regular ,contractual o casual at job order na empleyado. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Lillard pumukol ng 11 tres sa panalo ng Blazers

    PORTLAND, Ore. — Dinuplika ni Damian Lillard ang sarili niyang  franchise record na 11 three-pointers at tumapos na may 38 points para pamunuan ang Trail Blazers sa 133-112 dominasyon sa Minnesota Timberwolves.     Kumonekta si Lillard ng matinding 11-for-17 shoo-ting sa 3-point range at hindi na naglaro sa fourth quarter para sa Portland (15-12) […]

  • Richard Bachmann: New PSC Chairman

    Tinalaga ng Malacañang si Richard Bachmann bilang bagong Chairperson ng Philippine Sports Commission (PSC).     Ang dating University Athletic Association of the Philippines Commissioner ay magiging kapalit ni Noli Eala, na nai-appoint ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong buwan lamang ng Agosto.     Maliban sa pagiging bahagi ng Athletic Association, naging team governor […]

  • Operators ng tanker na lumubog, kinasuhan ng administratibo

    NAGSAMPA ng kasong administratibo ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa operators ng dalawang tankers na lumubog sa baybayin ng Bataan noong Hulyo.     Sinabi ng PCG na ang nasabing reklamo ay inihain laban sa operators ng MV Mirola 1 at MTKR Jason Bradley dahil sa hindi pagtupad sa deklarasyon ng Master ng pag-alis […]