• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P500 monthly ‘ayuda’ , iro-roll out bago matapos ang termino ni PDu30

TARGET ng gobyerno na  i-rollout ang ipalalabas na P500 monthly cash aid  para sa mga low income families  bago matapos ang termino ni Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte ngayong buwan.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD)  spokesperson Director Irene Dumlao na nagpalabas ng  joint memorandum circular  ang Department of Budget and Management, National Economic and Development Authority,  Bangko Sentral ng Pilipinas, at DSWD na naglalaman ng guidelines para sa distribusyon ng  monthly subsidy nitong Mayo.

 

 

Dahil dito,  aniya, “Itong P500 na ayuda, maaari na tayong makapagsimula sa pamamahagi nito bago magtapos ang termino ni Pangulong Duterte.”

 

 

Ang pahayag na ito ni Dumlao ay matapos niyang makumpirma na ang  cash aid  ay nananatiling undistributed, tatlong buwan matapos na aprubahan ito ni Pangulong Duterte.

 

 

Nitong  Marso, ipinag-utos ni Pangulong Duterte na itaas ng P500.oo mula sa  P200.oo  ang  monthly cash aid para sa “poorest of the poor” sa bansa  sa gitna ng tumataas na presyo ng langis at  iba pang pangunahing bilihin.

 

 

Sinabi ni Dumlao  na  ang  target beneficiaries  ay iyong nasa bottom 15% ng populasyon o 12.4 milyong  low income households.

 

 

Aniya, ang mga kuwalipikadong benepisaryo ay kinabibilangan ng nasa ilalim ng Conditional Cash Transfer program,  benepisaryo ng  Social Pension program, at iba pang mahihirap na pamilya  na  may pagkakakilanlan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction ng DSWD.

 

 

Sinabi ni Dumlao, ang  monthly cash grant ay ipagkakaloob ng  P1,000 kada dalawang buwan sa loob ng anim na buwan. (Daris Jose)

Other News
  • Siya naman ang nagsama sa recording studio: FRANKIE, ginawan ng kanta si SHARON na kanyang regalo sa ina

    SA Instagram post ni Frankie Pangilinan last Sept. 28 ibinahagi niya ang kantang ginawa na regalo raw niya sa ina na si Sharon Cuneta.     Lumaki raw si Frankie na kasa-kasama ni Megastar sa recording studios at pagkaraan ng maraming taon ay ina naman ang kanyang isinama.     Ang ginawa niyang kanta ay […]

  • Sotto swak pa rin para sa Gilas ‘Pinas training pool

    IPINAHAYAG ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI)  na kabilang pa rin para sa Gilas Pilipinas training pool si National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zachary Sotto.     “He’s part of the list so we just have to talk to him, reach out to him again, we haven’t finalized our calendar yet, but once […]

  • Discover ‘Kono Basho,’ a moving Cinemalaya entry by Project 8 Projects and Mentorque Productions

    Project 8 Projects and Mentorque Collaborate on Cinemalaya Film ‘Kono Basho’.       Explore themes of grief, family, and healing set in post-tsunami Japan. In theaters August 2024.       “To grieve together and safely: sometimes that’s all that matters.” – Merlinda Bobis     Grief often comes in waves, urging us to […]