P52.1-M relief assistance naibigay na sa mga biktima ng bagyong Ulysses – DSWD
- Published on November 20, 2020
- by @peoplesbalita
Umaabot na sa P52.1 million ang relief assistance ang naipagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses.
Sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista, naipamahagi ang mga tulong partikular ang food at non-food items sa regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, region 5, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).
Ayon kay Sec. Bautista, sa kanilang Region 2 Field Office ay nakapamahagi na ng P19 million na halaga ng ayuda habang sa Bicol region ay P17 million, sa CALABARZON Field Office ng DSWD ay P11.2 million at sa NCR Field Office ay P7 million.
Inihayag pa ni Sec. Bautista na ang mga ibinigay nilang food and non-food item ay bilang augmentation support sa mga local government units (LGUs) na lubos na naapektuhan ng kalamidad at ang mga ito naman umano ay idineploy at ipinamahagi sa mga apektadong residente sa pamamagitan ng land, air at sea assets ng pamahalaan.
Maliban sa pagkain, nagkakaloob din ang ahensya ng psychosocial support at stress debriefing sa mga naapektuhang mga residente. (ARA ROMERO)
-
Sylvia, nangatog at nanumbalik ang trauma sa ‘Bagyong Ondoy’
NANUMBALIK ang trauma na naramdaman ni Sylvia Sanchez nang rumagasa ang napakalakas na bagyong Ulysses nitong November 11 sa buong Luzon kung saan maraming nawalan ng bahay ang mga kakabayan natin sa Bikol, Quezon, Montalban at Marikina City. Kaya hindi napigilang mag- post ang premayadong aktres sa kanyang Facebook page noong Huwebes, November 12. […]
-
LTFRB namimigay ng driver subsidy
SINIMULAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamimigay ng bagong subsidy program na tulong para sa humigit kumulang na 60,000 na public utility vehicle (PUV) drivers na naapektuhan ng COVID-19 pandemic Ang programang ito ay magbibigay muna ng subsidies sa may 60,000 na drivers sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro […]
-
Transport groups atras muna sa taas pasahe
UMATRAS na ang iba’t ibang transport groups sa hiling nila na maitaas ang singil sa pasahe sa mga pampasaherong sasakyan na nagrereklamo sa serye ng taas sa halaga ng petroleum products. Ito ay makaraang makumbinsi ng Department of Transportation ang mga opisyal ng transport groups na Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and […]