P540B bagong utang ng gobyerno aprub sa BSP
- Published on October 3, 2020
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang panibagong utang ng gobyerno na nagkakahalaga ng P540 bilyon para mapunan ang pangangailangan bunsod ng coronavirus disease 2019 pandemic.
Ayon kay BSP Governor Ben- jamin Diokno, ngayong Huwebes lang inaprubahan BSP ang kahilingang P540 bilyon para sa panibagong tranche ng provisional advances ng pamahalaan.
Ipinaliwanag ni Diokno na ginawa ng administrasyon ang panibagong loan bilang “budget support” at “deficit financing” bunsod ng naranasang pandemic sa bansa.
Matatandaan na nangutang sa gobyerno ang Central Bank ng halagang P300 bilyon noong Marso sa porma ng securities.
Batay sa rekord ng Bureau of Treasury, pumapatay sa P9.615 trilyon ang utang ng gobyerno hanggang noong katapusan ng Agosto na 21.1% mas mataas sa katulad na petsa noong nakaraang taon. (Ara Romero)
-
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco, sa pangunguna ng NavotaAs Hanapbuhay Center ang One School, One Product (OSOP) na naglalayong turuan ang mga mag-aaral na i-develop ang kanilang entrepreneurial skills at makalikha sila ng isang produkto na maaari nilang i-market. (Richard Mesa)
-
PBBM, ipinamigay ang nakumpiskang smuggled rice sa mga mahihirap na pamilya sa Tungawan, Zamboanga Sibugay
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng mga nakumpiskang smuggled rice sa mga mahihirap na pamilya sa Tungawan, Zamboanga Sibugay. Bahagi ito ng pagtupad ng Pangulo sa kanyang pangako na tugisin ang rice smugglers at hoarders sa bansa. Pinangunahan din ng Pangulo ang turnover ng iba pang tulong sa […]
-
Sara nanguna sa presidential, Duterte sa VP – survey
Si Davao City Mayor Sara Duterte ang napipisil ng mayorya ng mga Pinoy na maging susunod sa pangulo ng bansa sa nalalapit na May 2022 elections habang si Pangulong Rodrigo Duterte naman sa pagka-bise presidente. Base sa resulta ng Pulse Asia survey na inilabas kahapon, 28% ng mga Pinoy adults ang boboto kay […]