• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P546 milyong budget ng PSC para sa major events sa 2023

PONDONG  P546 milyon ang ipinanukala ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa partisipasyon ng mga national athletes sa siyam na malalaking international competitions sa 2023.

 

 

Kabilang rito ang 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia sa Mayo 2-16 at ang 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8.

 

 

Ang paglahok ng Pinas sa 2023 Cambodia SEA Games ay gagastusan ng P250 milyon habang P100 milyon para sa Hangzhou Asiad.

 

 

“We are hoping that the proposed budget will be approved by our country’s leaders,” ani PSC Commissioner at Officer-in-Charge Bong Coo kahapon.

 

 

Ang proposed budget ay isinumite ng PSC sa Department of Budget and Management (DBM).

 

 

Sasabak din ang mga Pinoy athletes sa 2023 ASEAN Para Games sa Cambodia sa Hunyo 3-9 at sa Asian Para Games sa Hangzhou sa Oktubre 22-28 pati sa mga world-level competitions na FIBA at FIFA.

 

 

Bukod pa ito sa 2nd World Beach Games sa Bali, Indonesia sa Agosto 5-17, sa 4th World Combat Games sa Riyadh, Saudi Arabia sa Oktubre 5-14, 2023 at sa 6th Asian Indoor and Martial Arts Games sa Bangkok-Chonburi, Thailand sa Nobyembre 17-26.

Other News
  • Para sa pagba-ban ng POGOs, offshore games, hindi na kailangan na magpasa ng batas- PBBM

    HINDI na kailangan na magpasa pa ng batas para ipagbawal ang Philippine offshore gaming, internet gaming, at iba pang offshore gaming operations sa bansa.   Sa isang chance interview kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa ssidelines ng isang event sa Parañaque City, sinabi ng Chief Executive na “sapat na” ang pagpapalabas ng executive order […]

  • WATCH THE FIRST TRAILER OF NEW HORROR FILM “THE INVITATION”

    WATCH THE FIRST TRAILER OF NEW HORROR FILM “THE INVITATION”       YOU’RE invited to a nightmare generations in the making. Watch the first trailer and save the date for Columbia Pictures’ new horror thriller The Invitation exclusively in cinemas soon across the Philippines.       YouTube: https://youtu.be/cHF2a2XZxUk       About The […]

  • 86% Pinoy stress dahil sa pandemya – SWS

    NAKAPAGTALA ng 86 porsyentong Filipino ang nakakararanas ng pagkastress dahil sa pandemya ayon sa Social Weather Stations (SWS).   Napag-alamang 58 porsyento ng mga Filipino na may edad na 18 taong gulang pataas ang nakararanas ng lubhang pagkastress; 27 porsyento naman nakaranas ng pagkastress habang 15 porsyento lamang ang nakaranas ng konti o walang pagkabahala. […]