P55-M halaga ng shabu nasabat ng PNP DEG; 2 drug couriers arestado
- Published on December 9, 2020
- by @peoplesbalita
Nasa P55-million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng tauhan ng PNP Drug Endforcement Group (DEG) sa dalawang drug couriers sa ikinasang buy-bust operation sa Paranaque City noong, December 5,2020.
Ang dalawa ang nasa likod sa pag-transport ng mga iligal na droga mula Metro Manila patungong Mindanao.
Kinilala ni PNP DEG Director BGen. Ronald Lee ang dalawang naarestong drug suspeks na sina Marlon Bayan, 32-anyos tubong Camarines Norte at Guimalodin Ebrahim, 27-anyos mula sa bayan ng Talitay sa Maguindanao.
Nakuha sa posisyon ng dalawa ang nasa walong kilo ng high grade shabu at ang sasakyan na Ford Ranger na siyang ginagamit sa pag-transport ng illegal drugs.
Sa report ni Lee kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, naging matagumpay ang operasyon matapos pumayag ang dalawa na bentahan ang police poseur buyer ng malaking halaga ng shabu.
Batay sa report ng PDEG ang mga nahuling suspeks ay mga regular couriers ng shabu mula Manila patungong Mindanao. (ARA ROMERO)
-
Ads March 8, 2025
-
Ads March 26, 2022
-
4-MAN PH TEAM SA 3X3 WORLD TOUR, BUO NA
PINABORAN ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio kahapon (Martes) ang rekomendasyon ng Selection Committee na isalang sa 4-man Philippine Team na sasabak sa FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament sina Chooks-To-Go 3×3 top player Joshua Eugene Munzon, Alvin Pasaol, Moala Tautuaa at CJ Perez. Mula sa mahigit 20 player-candidate, napili ng SBP […]