• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Russia, kumpiyansa na maaaprubahan na ang COVID-19 vaccine sa Agosto

Desidido ang Russia sa magiging kauna-unahang bansa sa buong mundo na magkakaroon ng bakuna laban sa coronavirus.

 

Target kasi ng gobyerno ng Russia na aprubahan na sa kalagitnaan ng Agosto ang bakuna na gawa ng Moscow-based Gamaleya Institute.

 

Aaprubahan na ito sa public use kung saan ang unang mabibigyan ay ang mga frontline health workers.

 

Ang nasabing pag-apruba ay itutuloy ng Russia kahit na marami ang nangangamba sa safety at effectiveness nito dahil hindi pa raw ito dumadaan sa masusing trial lalo na ang pagbusisi ng iba pang mga eksperto sa iba’t ibang dako ng mundo.

 

Una nang tinawag ng ilang scientists at residente sa Russia ang “mode” nila ngayon bilang “Sputnik moment” tulad nang una nilang mapalipad sa kalawakan ang spaceship patungo ng buwan noong taong 1957. (Daris Jose)

Other News
  • National ID System nakikitang makakatulong sa rollout ng COVID-19 vaccine sa Phl

    Nakikita ng isang kongresista na makakatulong ang national ID system para sa maayos na rollout ng COVID-19 vaccine sa oras na maging available na ito sa Pilipinas.   Ayon kay San Jose Del Monte, Bulacan Rep. Florida Robes, maaring gamitin ng pamahalaan ang biometric technology ng national ID system para matiyak na matatanggap ng mga […]

  • Higit 31-K Pulis fully vaccinated – ASCOTF

    Dahil sa banta ng Delta variant ng Covid-19 at sa inilabas na “stern reminder” ng pamunuan ng PNP nahikayat ang iba pang mga police personnel na magpabakuna.     Dahilan para tumaas pa ang bilang ng mga pulis na nabakunahan laban sa Covid-19.     Magugunita sa previous data ng ASCOTF nasa 8.5% sa mga […]

  • Pinas nasa ‘minimal risk’ na

    Patuloy ang pagbuti ng kalagayan ng bansa sa COVID-19 pandemic makaraang ilagay na ng Department of Health (DOH) sa ‘minimal risk’ ang buong kapuluan bunsod ng patuloy na pagbaba ng mga kaso.     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas mababa na sa 1 ang ‘avegare daily attack rate’ ng bansa mula […]