• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P576K halaga ng marijuana nasabat sa Malabon, 4 timbog

SHOOT sa kulungan ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng halos P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Prea Enate, 21, ng Caloocan, Lyndon Regino alyas “Dodong”, 27 ng Brgy. Tonsuya, Mark Carlo Fortes, 20 ng Navotas city, at Jarwin Gamalog alyas “Aweng”, 20 ng Caloocan city.

 

 

 

Ayon kay Col. Barot, dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Salinas St., Brgy. Longos.

 

 

 

Nagawang makipagtransaksyon ng isang pulis na nagpanggap na buyer kay Enate at Regino ng P16,000 halaga ng marijuana.

 

 

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng isang brick ng marijuana ay agad silang sinuggaban ng mga operatiba, kasama si Gamalog at Portes.

 

 

 

Nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspek ang tinatayang nasa 4.800 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price P576,000, buy bust money na isang tunay na P1,000 at 16 pirasong boodle money, motorsiklo, back pack bag, green plastic bag at eco bag.

 

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • M. Night Shyamalan Recounts The Hardship Of Filming ‘Old’ During Pandemic & Hurricane Season

    Night Shyamalan recounts the hardship of filming Old in the midst of the pandemic and during hurricane season.     According to screenrant.com, his upcoming thriller is about a group of people going on a holiday vacation. When they find a gorgeous secluded beach, they decide to spend the day there. They soon realize that something is causing […]

  • Pilipinas, makabibili ng COVID- 19 vaccine

    TINIYAK ng Malakanyang na makabibili ang bansa ng COVID-19 vaccine kapag naging available na ito.   Ayaw kasing umasa ng Malakanyang sa 2021 proposed national budget sa harap ng pagnanais nitong agad na makakuha ng COVID-19 vaccine.   Giit ni Presidential spokesperson Harry Roque, ayaw nilang dumepende sa national budget kung pag- uusapan ay pagbili […]

  • Ads January 20, 2023