P5K ayuda sa 4 milyong minimum wage earners, itinulak
- Published on February 24, 2023
- by @peoplesbalita
SA GITNA na rin ng mataas na inflation, isinulong sa Kamara na mabigyan ng tig-P5,000 ayuda ang nasa 4 milyong minimum wage earners sa bansa.
Kasabay nito, inirekomenda rin ni House Deputy Speaker at Trade Union Congress of the Philippines Partylist Rep. Raymond Mendoza ang pagbuo ng isang “financial assistance program” na tatawaging “BBM Assistance Para Sa Manggagawang Pilipino” o BAMP para sa pamamahagi ng cash assistance na lubhang kailangan na.
Ayon kay Mendoza, labis na nagdurusa ang mga mamamayan dulot ng inflation o mabilis na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.
Sa ilalim ng BAMP, bibigyan ng ayuda na “one time big time P5,000” pinansiyal na tulong ang nasa 4 milyong minimum wage earners na ang pondo ay kukunin sa Presidential Social Fund. Binigyang diin pa ni Mendoza na layunin ng BAMP na matulungan ang kapwa mga manggagawa at negosyo sa matinding epekto ng ‘inflation’ .
Target din ng nasabing hakbangin na palakasin rin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagkonsumo o pagbili ng mga manggagawa ng mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya habang patuloy na bumabangon mula sa krisis ng COVID-19, giyera ng Russia at Ukraine, global recession at climate change.
Binigyang diin ng Kongresista na hindi biro ang record-high na 8.7% inflation rate, kaya napapanahong magkaroon ng “urgency” o mabilis na aksyon para tulungan ang mga manggagawa sa kahirapan at kagutuman. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
PhilSA, inilabas ang mapa na nagpapakita ng posibleng lawak ng Bataan oil spill
NAGPALABAS ng mapa ang Philippine Space Agency (PhilSA) na nagpapakita ng potensiyal na laki o lawak ng oil spill mula sa tumaob na Philippine-flagged Motor Tanker Terra Nova sa lalawigan ng Bataan. “It includes the tanker’s location as well as a satellite image of the oil leak that was taken at […]
-
Buong Luzon, isinailalim sa State of Calamity
ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang buong Luzon sa ilalim ng State of Calamity dahil sa serye ng bagyo na tumama sa bansa. Itinuturing na ang pinakahuling bagyo na si bagyong Ulysses ang nagsilbing gatilyo ng malalang pagbaha sa bansa sa mga nakalipas na taon na nag-iwan ng maraming namatay na katao. Ang […]
-
PBBM, nakipagpulong sa Indonesia para sa security, trade at culture
UMALIS biyaheng Indonesia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Linggo, Setyembre 4, 2022. Ito ang kauna-unahang foreign trip ni Pangulong Marcos nang maupo siya bilang halal na Pangulo noong Hunyo. Inaasahan naman na makikipagkita ang Pangulo sa Filipino community sa kanyang pagdating sa Indonesian capital. “This is to […]