P6.352-T 2025 Badyet, isinumite ng Kamara sa Senado
- Published on October 26, 2024
- by @peoplesbalita
PORMAL nang isinumite ng kamara sa senado ang P6.352-trilyong panukalang 2025 budget na nakatutok sa social services at food security.
Sa pangunguna ni Ako Bicol Representative at House appropriations committee chairman Zaldy Co, ang naturang budget ay naglalaan ng malaking pondo para sa mahihirap, magsasaka, mag-aaral at mga sundalo.
Ayon kay Co, dinagdagan ng Kongreso ang pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS at Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP para naman sa mga may trabaho ngunit kulang ang sahod. May dagdag ding pondo rin para sa edukasyon, agrikultura at maging subsistence allowance ng mga sundalo.
Ang budget ay nakatakdang pag-usapan sa Senado. Inaasahan itong matatapos sa Disyembre para malagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bago matapos ang taon. (Vina de Guzman)
-
Imbestigasyon sa UST tinatapos pa
INAAYOS na lang ng University of Santo Tomas ang imbestigasyon sa ‘bubble training’ ng Growling Tigers men’s basketball team sa Sorsogon at inaasahang nakatakdang mapasakamay ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) simula nitong Huwebes. Nagdaos ng online meeting sa nitong Miyerkoles ang Inter-Agency Task Force (IATF) panel nina Philippine Sports Commission-Philippine Sports […]
-
PBBM, ikakasa ang Digital Media Literacy drive kontra fake news
MAGPAPATUPAD ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Digital Media Literacy campaign ngayong taon. Layon nito na makapagbigay sa “most vulnerable communities” ng kasanayan at kasangkapan habang inuunawa ang katotohanan. Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Cherbett Karen Maralit sa ipinalabas na kalatas habang isinasagawa ang CyberSafe Against Fake News: […]
-
Ads July 20, 2023