• April 2, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P65-M nabawi mula sa mga eskuwelahan na nasa voucher program anomaly

NABAWI ng Department of Education (DepEd) ang P65 milyon mula sa 54 pribadong eskuwelahan na nasa Senior High School voucher program
Ito’y habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing anomalya.
Sinabi ng DepEd na ang 54 private schools na may tanda ng iregularidad, 38 ang “fully refunded the government,” habang dalawa naman ang nagsagawa ng partial refunds.
“However, 14 schools have yet to return the funds, and final demand letters will be issued to ensure compliance,” ang sinabi ng DepEd.
“DepEd noted that further investigation is needed to determine whether these financial irregularities constitute fraud,” ayon pa rin sa departamento ukol sa nabawing pondo.
Tinatayang may 12 eskuwelahan sa senior high school voucher program nito sa gitna ng alegasyon na “ghost students.”
Kadalasan, ang mga nagpapartisipang eskuwelahan ay mayroong 100 hanggang 1,000 benepisaryo kada isa. ang voucher ay nagkakahalaga ng P14,000 hanggang P22,500 depende sa lokasyon ng estudyante.
Noong nakaraang buwan, sinabi ng Coordinating Council of Private Educational Association na suportado nito ang imbestigasyon ng DepEd hinggil sa di umano’y “ghost students”.
Binigyang diin nito ang “more efficient” na pagtarget sa mga benepisaryo na makatutulong sa voucher program na mas ligtas mula sa potential fraud. ( Daris Jose)
Other News
  • P2.5M bato, nasamsam sa 2 drug suspects sa Caloocan

    MAHIGIT P2.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matiklo sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.       Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief […]

  • RUSSELL CROWE PLAYS “THE POPE’S EXORCIST” IN HIS FIRST HORROR MOVIE LEAD

    PRIOR to The Pope’s Exorcist, Russell Crowe had never led a horror film.        [Watch the trailer: https://youtu.be/Csfy9Qkvam8]       “It was just something I hadn’t done – a genre I’ve never really touched at all. Scary movies put me off my sleep,” says the Academy Award®-winning actor with a laugh. “I’m […]

  • PBBM, uungkatin ang isyu ng South China Sea sa EU-ASEAN Summit

    UUNGKATIN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  ang isyu ng South China Sea sa European Union-Association of Southeast Asian Nations (EU-ASEAN) Business Summit sa Brussels, Belgium sa susunod na linggo.     Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu sa pre-departure press briefing sa Malakanyang na kabilang ang South China Sea  sa mahalagang usapin na […]