P6K fuel subsidy sa jeepney at tricycle operators
- Published on July 21, 2023
- by @peoplesbalita
TARGET ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na makapagbigay ng P6,000 fuel subsidy sa mga operator ng pampasaherong jeep at tricycle sa susunod na buwan ng Agosto.
Sa QC forum, sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na plano nilang ibigay ang naturang subsidy upang makatulong sa naturang mga operators sa tumaas na gastusin sa operasyon ng pampasaherong sasakyan dahil sa tumaas na halaga ng produktong petrolyo.
Niliwanag naman ni Guadiz na prayoridad na unang makatanggap ng subsidy ay ang mga pampasaherong jeep na sumailalim na sa consolidation o kasama na sa kooperatiba alinsunod sa rekisitos ng PUV modernization program ng pamahalaan.
“Kung hindi sila magko consolidate, bakit sila bibigyan ng subsidy..kaya ang bibigyan lang muna natin ng subsidy ay yaong mga nag consolidate na..na nag- ayos na pumasok na sa modernization” sabi ni Guadiz.
Idinagdag pa nito na noong Hunyo ay umaabot na sa 64.9 percent ng nasa transport sector ang sumailalim na sa consolidation o pagsasama- sama ng mga pampasaherong sasakyan para sa pagbuo ng kooperatiba o korporasyon.
Target anya ng LTFRB na sa December 31,2023 ay may 85 hanggang 90 percent na ang mga pampasaherong sasakyan na sumailalim sa consolidation.
Ang consolidation o pagsasama-sama ng mga PUVs sa iisang kooperatiba o korporasyon na isang hakbang para sa planong PUV modernization program ng pamahalaan.
Niliwanag naman ni Ortega na patuloy ang gagawin nilang pag-iikot sa ibat ibang panig ng bansa upang makausap at maipaliwanag sa mga hanay ng transportasyon ang kahalagahan ng pag-consolidate o pagsama-sama sa isang kooperatiba.
Iniulat din ni Chairman Andy Ortega ng Office of Transport Cooperative na pinag-aaralan pa nila ng LTFRB sa pangunguna ng DOTr ang mga guidelines sa ipapamahaging fuel subsidy.
Samantala, iniulat naman ni LTO President Orlando Marquez na naiparating din ng LTFRB sa kanilang hanay na tutulungan sila ng ahensiya na maisailalim sa rehablitasyon ang mga traditional jeep na matagal na pero road worthy pa sa ganitong paraan ay mababawasan din ang kanilang agam-agam na mawalan na ng kuwenta ang mga sasakyan.
-
Sanib-pwersa ang mga ‘Bagong Idolo ng Senado’… MONSOUR, RAFFY, at Gen. ELEAZAR, maaasahan sa maayos na trabaho na walang kinatatakutan
NAGSANIB pwersa sa kanilang kampanya ang tatlong senatorial candidates na may iisang layunin na makapaglingkod sa sambayanang Pilipino. Sina Monsour Del Rosario, Raffy Tulfo, at Gen. Guillermo Eleazar ang tinagurian mga “Bagong Idolo ng Senado. Dinumog ang tatlong kandidato sa naganap na grand rally nitong May 5 sa Cauayan, Isabela, ang hometown ni Tulfo, Bagamat […]
-
Kababaihan sa Afghanistan nagprotesta para mabuksan na ang mga paaralan
NAGSAGAWA ng kilos protesta ang ilang kababaihan sa harap ng Ministry of Education sa Afghanistan. Nananawagan ang mga ito sa muling pagbubukas ng secondary schools para sa mga kababaihan. Umani kasi ng batikos ang biglang pagbawi ng Taliban sa muling pagbubukas ng mga paaralan para sa mga kababaihan. Sinabi […]
-
’Ibigay ang buong suporta kay incoming PNP chief Lt.Gen. Carlos’
Nanawagan si outgoing PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng miyembro ng PNP na magkaisa sa likod ng magiging susunod na PNP Chief na si Lt.Gen. Dionardo Carlos. Ayon kay Eleazar, taglay ni Carlos ang lahat ng qualification para sa pinaka mataas na posisyon sa PNP at nakita ng Pangulo sa kaniya […]