• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P7.9 bilyong COVID-19 allowance ng HCWs inilabas na

INILABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Health (DOH) ang P7.92 bilyon One Covid-19 Allowance (OCA).

 

 

Ang nasabing halaga ay nakalaan para sa 526,727 eligible na public at private healthcare workers (HCWs) at mga non-HCWs na ang trabaho ay may kaugnayan sa COVID-19 response.

 

 

Sa nasabing halaga, ang P4.50 bilyon ay para sa COVID-19 benefits ng nasa 100,313 DOH plantilla personnel sa mga pampublikong ospital, tanggapan at mga rehabilitation centers kabilang na ang mga military at state university hospitals.

 

 

Ang natitirang P3.42 bilyon ay para sa 426,414 health workers na nagrereport sa mga local government units at mga pribadong health facilities.

 

 

Sa ilalim ng OCA, ang mga health workers na matutukoy na high risk sa COVID-19 ay makakatanggap ng P9,000 kada buwan samantalang ang moderate risk  ang exposure ay P6,000 at ang low risk ay P3,000.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas pinabilis na ngayon ang pagpapalabas ng nabanggit na allowance.

 

 

“Kung dati po kaila­ngan naming i-validate at i-compute per specific allowance, ngayon po nasa isang lumpsum na po siya na ibibigay natin sa health workers according to their risk classification…Lesser na po ang tsansa para ma-delay ang pag-release natin ng kanilang mga allowances,” ani Vergeire.

 

 

Nilinaw din ni Vergeire na walang tinanggal sa allowance ng mga health care workers at ginawa lamang na mabilis ang proseso.

Other News
  • WILL FERRELL LENDS VOICE TO AN ABANDONED DOG IN RAUNCHY HEARTWARMING COMEDY “STRAYS”

    FROM the worldwide box-office hit Barbie, Will Ferrell stars in the latest feral comedy movie Strays, a subversion of the dog movies we know and love. Ferrell lends his voice to a naïve, relentlessly optimistic Border Terrier named Reggie who was abandoned on the mean city streets by his lowlife owner, Doug (Will Forte; The […]

  • Bibida sa newest sitcom ng TV5 na ‘Oh My Korona’: MAJA, tinawag na ‘Majestic Superstar’ kaya todo-react ang mga netizens

    MAY bagong show si Maja Salvador sa TV5 at noong Miyerkoles, July 27, inilabas na nga ang trailer ng ‘Oh My Korona’ na kung saan ipinagmalaki sa IG post ng Kapatid Channel ang cast ng sitcom.   May caption ito ng, “TEKA LAAAANG! 😱   “This cast sa iisang sitcom ay W-O-W!   “Pooh, Kakai […]

  • PBA prayoridad ang kaligtasan ng lahat

    WALANG balak ang pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na isugal ang kaligtasan ng mga players, coaches at officials matuloy lamang ang PBA Season 46 Governors’ Cup.     Naghihinayang si Marcial dahil maganda na sana ang takbo ng liga noong nakaraang taon.     Maliban sa tuluy-tuloy na mga laro, nabigyan na ng pagkakataon […]