P70-B inilaan para sa pagbili ng COVID-19 vaccines
- Published on December 10, 2020
- by @peoplesbalita
Inaprubahan na ng House at Senate contingent sa bicameral conference committee ang reconciled version ng P4.5-trillion proposed 2021 national budget.
Target ng dalawang kapulungan ng Kongreso na ratipikahan sa plenaryo mamayang hapon ang bicam report sa panukalang pondo para sa susunod na taon.
Pinangunahan nina House Committee on Appropriations Committee chairman Eric Yap at Senate Finance Committee chairman Sonny Angara ang approval sa final version ng GAB.
Bukod kina Yap at Angara, physically present din sa pulong na ginanap sa isang hotel sa Makati City sina Senators Sherwin Gatchalian at Pia Cayetano, pati rin sina Representatives Bernadette Dy at Mikee Romero; habang virtually present naman ang iba pang mga miyembro ng bicam panel.
Sa ilalim ng reconciled version ng GAB, sinabi nina Yap at Angara na P70 billion ang alokasyon para sa pagbili ng COVID-19 vaccines
Bahagyang mababa ito kumpara sa P83 billion na inilalaan ng Senado para sa COVID-19 vaccines base sa kanilang bersyon ng GAB, habang mas mataas naman kumpara sa P8 billion appropriation ng Kamara.
Aabot naman sa P23 billion ang realigned na pondo para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses at Rolly.
Nanantili namang intact ang P19 billion na pondo ng kontrobersyal na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa P4.5-trillion proposed 2021 national budget, ang sektor ng edukasyon ang makakatanggap ng pinakamalaking pondo sa halagang P708,181,173,000; sinundan ito ng DPWH (P694.822 billion); DILG (P247.506 billion); DND (P205.471 billion); at DSWD (P176.659 billion).
Ang Department of Health na siyang nangunguna sa COVID-19 response ng pamahalaan ay may P134.941 billion; sinundan naman ito ng DOTr (P87.455 billion); DA (P68.622 billion); Judiciary (P44.108 billion); at DOLE (36.606 billion).
Nauna nang sinabi ni Yap na target nilang maipadala ang 2021 budget bill sa Malacañang para mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Disyembre 18 o Disyembre 21. (ARA ROMERO)
-
17-M tickets ni-request ng mga fans para sa FIFA World Cup Qatar 2022
UMAABOT sa kabuuang 17 million na mga tickets ang hiniling umano ng mga football fans mula ng buksan ang bentahan ng tickets para sa nalalapit na FIFA World Cup Qatar 2022. Sinasabing inabot lamang ng 20 araw ang sales period na nagtapos ngayon kung saan ang pinakamaraming mga request ay nagmula sa host […]
-
Balik-trabaho na after almost four years: MARIAN, in-announce na malapit nang mag-taping sa sitcom nila ni DINGDONG
AFTER almost four years, ready na muling bumalik sa trabaho si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Nauna rito iyong hindi muna siya tumanggap ng work after giving birth to their second child ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, si Jose Sixto IV. At nang pwede na sana siyang mag-work, saka naman […]
-
7 close contacts ng 2 Omicron cases, negatibo sa COVID-19
Negatibo sa COVID-19 ang pito sa walong natukoy na close contacts ng dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa. Sinabi ni Health Underscretary Maria Rosario Vergeire na agad na isinailalim sa COVID-19 test ang pito na may negatibong resulta. Nabatid na ang 48-anyos na ‘returning Filipino’ mula sa Japan ay nagkaroon […]