P700K droga nasamsam sa Caloocan buy bust, 2 timbog
- Published on May 14, 2024
- by @peoplesbalita
MAHIGIT P.7 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Caloocan City, Linggo ng hapon.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Boboy, 31, HVI ng Brgy. Gen. T De Leon, Valenzuela City at alyas Christian, 25 ng PNR Compound, Caloocan City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay ‘Boboy’ matapos ang nakatanggap nilang impormasyon hinggil sa pagbebenta umano nito ng droga.
Nang tanggapin ni ‘Boboy’ ang P6,500 buy bust money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong 4:44 ng hapon sa Riverside Libis Baesa, Brgy., 160, kasama ang kanya umanong parukyano na si ‘Christian’.
Ani Col. Lacuesta, nakumpiska sa mga suspek ang nasa 107.2 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P728,960.00 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang anim na pirasong P1,000 boodle money.
Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Lacuesta at kanyang mga tauhan sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Bureau of Quarantine tiniyak na wala nang delay sa paglalabas ng COVID-19 test results
TINIYAK ng Bureau of Quarantine (BOQ) na hindi na magkakaroon pa ng delay sa paglalabas ng mga resulta ng COVID-19 RT-PCR test ng mga kababayan pauwi sa Pilipinas mula sa ibang bansa. Ayon kay BOQ Deputy Director Dr. Roberto Salvador Jr., sa loob lamang ng 24 oras ay nakapagsumite na ng mga resulta […]
-
New normal, maaari nang ikasa – Malakanyang
SINABI ng Malakanyang na ang mga lugar na wala ng Covid-19 transmission ay maaari nang isailalim sa “new normal” kung saan ang natitirang quarantine restrictions ay magiging maluwag na. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases “in principle” ang deklarasyon ng […]
-
‘Family Matters’, big winner at waging Best Picture: NADINE, muling nakasungkit ng ‘Best Actress’ award sa FAMAS
SA ikalawang pagkakataon, muling nasungkit ni Nadine Lustre ang Best Actress trophy sa 71st Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS), para sa pelikulang “Greed” na tungkol sa isang mag-asawa na nanalo ng pinakamalaking jackpot sa lotto. Una siyang nagwagi ng major award sa nasabing award-giving body, nang gampanan niya ang role […]