• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P703 milyong fuel subsidies, naipamahagi na sa PUV drivers

NAIPAMAHAGI na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang may P703 milyong halaga ng fuel subsidy na laan para sa mga benepisyaryong driver ng pampasaherong jeep.

 

 

Ayon kay LTFRB Executive Director Tina Cassion, ang fuel subsidies ay para sa kabuuang 108,164  be­neficiaries na tumanggap ng  P6,500 kada unit kaugnay ng Pantawid Pasada Program ng pamahalaan.

 

 

Ang fuel subsidies ay tulong ng pamahalaan para maibsan ang ma­tinding epekto sa pamumuhay ng mga passenger drivers ng nagdaang serye ng taas halaga ng petroleum products.

 

 

Sinasabing kahit may rollback sa ­presyo ng krudo ay ma­liit naman umanong ha­laga ito kung ikukumpara sa naging sunud sunod ng  pagtaas ng presyo ng petroleum products sa bansa.

 

 

Naglaan ang pamahalaan ng P2.5 bil­yong pondo para sa fuel subsidy sa may 377,000 qualified PUV drivers nationwide.

 

 

Ang naipamamahaging fuel subsi­dy ang dahilan kaya’t walang naaprubahang petisyong taas pasahe ang LTFRB. (Daris Jose)

Other News
  • 4 na oras sa burol, 4 na oras sa libing ni baby River ibinigay ng korte kay Nasino

    WALONG oras ang ibinigay ng Manila Regional Trial Court ,Branch 47, sa aktibistang si Reina Mae Nasino para masilip at makapiling ang kanyang nasawing anak sa burol nito at sa nakatakdang libing sa Manila North Cemetery sa Oktubre 16,2020 sa Maynila.   Sa dalawang pahinang order ni Manila RTC,Br.47 Presiding Judge Paulino Gallejos, si Nasino […]

  • Ads July 21, 2022

  • Bukod sa inaabangang pagsasamaa sa sitcom: DINGDONG at MARIAN, nag-collaborate sa isang documentary tungkol sa motherhood

    NATUPAD na rin ang matagal nang request ng fans ng Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na mapanood na muling magkasama ang kanilang mga idolo sa isang programa.       Matagal nang working together ang mag-asawa dahil idinidirek ni Dingdong ang mga spiels ng Tadhana, ang OFW documentary hosted by Marian […]