P73.2B inilaan sa COVID-19 vaccine ng 60M Pinoy
- Published on November 26, 2020
- by @peoplesbalita
Naglaan ng P73.2 bilyon ang pamahalaan para sa 60 milyong Filipino mabakunahan kontra coronavirus disease (COVID-19) ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.
“Ang total niyan is about P73.2 billion financing. That’s pretty much almost fixed… [that] is good for 60 million people to be vaccinated,” saad nito sa Pangulo sa ginanap na briefing, Nobyembre 23.
Ani Dominguez na ang pondong ito ay tinatayang halaga ng bakuna na $25 o P1,200 kada tao.
Ang P40 bilyon ay kukunin sa World Bank; P20 bilyon sa LandBank; at P13.2 bilyon sa bilateral agreements sa ibang bansa na gumagawa ng bakuna.
Samantala, ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III na ang pagpapakabuna ng 60 milyong Filipino ay indikasyon ng herd immunity.
“Ang herd immunity po is anywhere from 60 to 70 percent, according to the World Health Organization. So if we’re able to reach that, we’re going to pretty much arrest the spread of this and mawawala yung COVID-19 sa atin pong lipunan,” saad ni Duque. (ARA ROMERO)
-
Pinag-uusapan ang kissing scenes sa ‘Unbreak My Heart’: JOSHUA, malaki ang pasasalamat sa pagtitiwala nina GABBI at JODI
SA guesting ni Joshua Garcia sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, ikinuwento ng Kapamilya actor kung papaano nila pinaghandaan ni Jodi Sta. Maria ang kanilang torrid kissing scenes sa inaabangang drama series na “Unbreak My Heart” na first-ever collaboration ng GMA Network, ABS-CBN Entertainment at Viu. Hindi naman first time na […]
-
Ilang Pinoy boxers, malaki ang tyansang sumikat sa pagreretiro ni Pacquiao
Pinawi ni dating 2-division world boxing champion Gerry Penalosa ang pangamba ng ilan na baka maputol na ang Pilipinas sa mapa ng boxing dahil sa pagreretiro ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao. Ayon kay Penalosa sa panayam ng Bombo Radyo, mas madali nang sumikat ngayon ang mga Filipino boxers dahil sa nalikhang popularidad […]
-
National Post Office itayo muli, P13 bilyong contingent fund gamitin
“HISTORIAL landmark must rise from the ashes!” Ito ang binigyang diin ni House Deputy Speaker at 1st District Batangas Rep. Ralph Recto na ikinalungkot ang pagkaabo ng National Post Office Building matapos itong matupok ng apoy sa sunog sa lungsod ng Maynila nitong Lunes. Sinabi ni Recto na kailangang pabilisin at […]