• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P750k ibibigay ng PSC kay Yulo

Kagaya noong 2019, muling binigyan ng Philippine Sports Commission (PSC) ng espesyal na cash incentives si 2021 World Artistic Gymnastics Championships gold medalist Caloy Yulo.

 

 

Inaprubahan kahapon ng PSC Board ang insentibong P500,000 para sa gold at P250,000 para sa silver medal na nakuha ni Yulo sa nakaraang world championships sa Kita­kyushu, Japan.

 

 

Inangkin ng 21-anyos na Batang Maynila ang gintong medalya sa men’s vault habang nakuntento siya sa pilak sa parallel bars.

 

 

Hindi kasama ang taunang world championships na sinasalihan ni Yulo sa mga kondisyon na nakasaad sa Republic Act No. 10699 o ng National Athletes and Coaches Be­nefits and Incentives Act.

 

 

“He has bounced back and showed us all that he is still our world champion in gymnastics,” wika ni PSC chairman William “Butch” Ramirez kay Yulo na nag-uwi ng gold medal sa floor exercise ng world championships noong 2019 sa Stuttgart, Germany.

 

 

Sa nasabing tagumpay ay binigyan ng PSC si Yulo ng insentibong P500,000 para sa gold at dagdag na P500,000 sa pag-angkin niya ng tiket para sa nakaraang 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Other News
  • PAGBABAGO SA PROSESO SA PAGBOTO

    MAGKAKAROON ng pagbabago  sa proseso ng pagboto sa 2022  local and national elections  dahil na rin sa patuloy na  banta ng coronavirus disease sa bansa.     Ayon ito kay Comelec Spokesman James Jimenez dahil ang mga botohan ay may posibilidad na maging sanhi ng pagsasama-sama ng mga tao kaya dapat mayroong mga pagbabago sa […]

  • Bigas ang dapat pagtuunan ng pansin ngayon ng gobyerno upang humupa ang inflation – Salceda

    BINIGYANG- DIIN ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Second District Representative Joey Salceda na bigas ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno sa ngayon upang mapahupa ang inflation sa bansa.     Pahayag ito ni Salceda matapos iulat ng Philippine Statistics Authority na sumipa sa 3.4 percent ang headline inflation rate nuong […]

  • PBBM, pangungunahan ang nat’l coconut tree-planting sa 50th year ng PCA

    INAASAHAN na pangungunahan ni  Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang national coconut tree-planting ceremony sa darating na Hunyo 29  bilang  bahagi ng ika-50 anibersaryo ng Kapistahan ng Philippine Coconut Authority (PCA).     May temang “Honoring the Past, Embracing the Future of the Coconut Industry,” sa golden anniversary celebration  ng PCA sa Hunyo 30 ay […]