• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P750K paglalabanan sa PBA 3×3 grand finals

Premyong P750,000 ang pag-aagawan ng 10 top teams sa Grand Finals ng PBA 3×3 Lakas ng Tatlo tournament sa Disyembre 29 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

 

 

Papagitna sa aksyon ang nasabing finale kung kailan pahinga ang 2021 PBA Governors’ Cup.

 

 

Nauna nang ikinunsidera ni PBA Commissioner Willie Marcial ang pagdaraos sa 3×3 grand finals sa Araw ng Pasko sa pagitan ng dalawang laro ng reinforced conference bago ito iniurong sa Disyembre 29.

 

 

Paparada sa grand finale ang top 10 teams base sa kanilang accumulated points at rankings mula sa kabuuang anim na legs.

 

 

Ang runner-up ay magbubulsa ng P250,000, habang ang second runner-up ay tatanggap ng P100,000.

 

 

Ang TNT Tropang Giga ang naghari sa first leg kasunod ang Meralco sa second leg, ang Sista Super Sealers sa third leg at ang Purefoods TJ Titans sa fourth leg.

 

 

Nangunguna ang Bolts sa team standings sa itaas ng Tropang Giga, TJ Titans at guest team Platinum Karaoke.

 

 

Ngunit maaari pa itong magbago sa pagsasagawa ng fifth at sixth legs sa Disyembre 11 at 12 at sa Disyembre 18 at 19, ayon sa pagkakasunod, na didribol sa alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

Other News
  • Riding-in-tandem na walang helmet, buking sa baril sa Malabon

    BINITBIT sa selda ang dalawang lalaki nang mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil kapwa walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.     Kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10054 (Motorcycle Helmet Act of 2009) at RA 10591 (Comprehensive Law on […]

  • Pagbubukas ng 2 bagong LRT 2 Extension na estasyon pinagpaliban

    Ang pagbubukas ng dalawang (2) bagong Light Rail Transit (LRT) Line 2 Extension na estasyon ay pinagpaliban sa darating na buwan ng Hulyo.     Sinabi ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na gagawin ang inagurasyon ng estasyon ng Marikina at Antipolo sa darating na Hulyo 5 at magkakaron ng initial na operasyon sa Hulyo […]

  • CIVIL REGISTRY NG MANILA LGU, WALANG IPINAPATUPAD NA “CUT OFF SYSTEM” AT “QUOTA SYSTEM”

    WALANG  ipinapatupad na “cut off” o “quota system” ang tanggapan ng Local Civil Registry ng pamahalaang Lungsod ng Maynila.     Ito’y makaraang makatanggap umano  ng reklamo ang tanggapan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA)  hinggil sa pagpapatupad nila ng “cut-off time” sa pagtanggap at pagproseso ng mga dokumento kaya nagsagawa ng sorpresang inspeksiyon si Director […]