• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P81-M halaga ng shabu nasabat sa Valenzuela, 3 kalaboso

UMAABOT sa P81 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

 

 

Kinilala ang naarestong mga suspek bilang sina Algie Mengote Labenia, 43 ng 9th Street, Brgy. Amsic, Angeles, Pampanga, Nolan Sarsalito Julia, 43 ng Apolonio Compound Muntinlupa City at Joseph Villamor Malasaga, 50 ng Barangay Maligaya, CaloocanC City.

 

 

Ayon kay Northern Police District(NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz, dakong alas-11:30 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng SOU, NCR PNP DEG, RID NCRPO, RDEU NCRPO, PDEA NCR at Valenzuela City Police ng buy bust operation sa Maysan Road corner Cecilio St., J. Santos Street, Valenzuela City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

 

 

Narekober sa mga suspek ang humigit-kumulang 12 kilos ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 81-milyon, isang tunay na P1,000 bill at  sampung bugkos ng P1,000 boodle money, isang Honda Civic na kulay berde, 2 cellphones, mga identification cards at mga dokumento.

 

 

Pinuri ni PLTGEN Vicente Danao Jr, OIC PNP ang matagumpay na operasyon kontra ilegal na droga ng pinagsanib na pwersa habang nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang  aarestong mga suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • JOHN LLOYD, posibleng makasama si MAINE sa isang romcom series; MARIAN, game ding makatambal ang aktor

    KUMALAT ang tsikang posibleng makatatambal ni Marian Rivera si John Lloyd Cruz sa isang romcom series na mala-Korean drama raw ang dating.     Bukas naman si Marian na nilulutong project sa kanila ng GMA Network at napa-’why not?’ pa raw ang Kapuso Primetime Queen.     Pero nabasa rin namin sa twitter na may […]

  • PBBM, pinuri ang pinakamataas na Pag-IBIG dividend rates simula pandemya, pumalo sa 6.53% para sa regular savings, 7.03% para sa MP2

    PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ang Pag-IBIG Fund para sa pinakamataas na dividend rates na naitala nito simula  ng Covid-19 pandemic.     Naitala na ang  regular savings ay tumaas ng 6.53% habang ang  Modified Pag-IBIG 2 Savings (MP2) ay mayroong 7.03% na pagtaas para sa taong  2022.     Ang pinakamataas na […]

  • ANAK NG MAG-ASAWANG MAMBABATAS, ITINALAGA NI PANGULONG DUTERTE NA BAGONG KONSEHAL NG MALABON

    ITINALAGA ni pangulong Rodrigo Duterte ang 27-anyos na anak ni Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel at An Waray Party-list Rep. Florencio ‘Bem’ Noel bilang miyembro ng Sangguniang Panlunsod at kapalit ng isang konehal na may sakit.     Ayon kay Lacson-Noel, ang pagkakatalaga sa kanyang anak na ngayon ay si Councilor Regino Federico ‘Nino’ Noel, […]