• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P889M na ang running total worldwide gross… ‘Rewind’ nina MARIAN at DINGDONG, kumpirmadong ‘highest grossing Filipino of all time’

KUMPIRMADO na ang 49th MMFF entry na ‘Rewind’ na pinagbidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, na ang may hawak ng ‘highest grossing Filipino film of all time’.

 

 

Patuloy ngang binabasag ang mga box office records ng naturang pelikula na produced ng Star Cinema, APT Entertainment at AgostoDos Pictures, na as of January 26, 2024 ay may running total worldwide gross na P889 million.

 

 

Tulad ng inaasahan, nalampasan na nito ang 2019 movie na ‘Hello, Love, Goodbye’ nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, na may kabuuang kita na P880 million.

 

 

“Damang-dama namin ang greatest love niyo all over the world! #SalamatLods”, ayon sa post ng Star Cinema sa kanilang socia media accounts.

 

 

Nirepost naman ito ng Kapuso Primetime King, na Box Office King na rin at may caption na, “Happy 1st monthsary mga ka-#Rewind! [praying hand emoji]

 

 

Now on its fifth week, patuloy na napapanod ang ‘Rewind’ sa higit 270 cinemas sa Pilipinas, United Arab Emirates, United States, Canada, Australia, New Zealand, Singapore, Guam at Saipan.

 

 

Nagpasalamat naman si Marian sa pamamagitang ng short video.

 

 

Ayon sa bagong Box Office Queen na nag-uumapaw ang saya, “walang hanggang pasasalamat po sa lahat ng sumuporta at nagmahal po sa ‘Rewind’. Maraming-maraming salamat po sa inyo.

 

 

“Nawa’y ‘wag po kayong magsawa na sumuporta ng mga pelikulang Pilipino. God bless, everyone.”

 

 

Congrats DongYan!

 

 

***

 

 

MULING pinagtibay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang desisyon nitong suspendehin ang mga palabas sa telebisyon ng SMNI na “Gikan sa Masa, Para sa Masa” at “Laban Kasama ang Bayan” at ibasura ang mga Motions for Reconsideration (MR) ng naturang network.

 

 

Ang unang pasya ng MTRCB na suspendihin ang dalawang programa ay bunsod ng mga reklamo na natanggap ng Ahensiya hinggil sa alegasyong paggamit ng mga death threat at masasamang salita ng isang host sa “Gikan sa Masa, Para sa Masa” noong ika-10 ng Oktubre 2023.

 

 

Binalaan din ng MTRCB ang sa SMNI na anumang katulad na paglabag ay mabibigyan ng mas mabigat na parusa–bilalng pagtalima sa dedikasyon ng Board sa patas at makatarungang pagdinig.

 

 

Mahigit isang buwan matapos ibasura ng MTRCB ang kaso, nakatanggap muli ang Ahensiya ng mga reklamo laban sa mga nasabing mga palabas.

 

 

Noong ika-13 ng Disyembre 2023, matapos ang masusing pagsusuri sa kaso at ng mga position papers na isinabmit ng mga respondents, nagpasya ang MTRCB na ipatupad ang preventive suspension na labing-apat (14) na araw para sa parehong programa.

 

 

Ang pasyang ito ay kasunod sa naunang babala ng MTRCB at naglingkod bilang proaktib na hakbang na layuning matugunan ang mga alalahanin at tiyakin ang pagsunod sa itinakdang pamantayan ng P.D. No. 1986.

 

 

Matapos ang masusing pagsusuri ng mga argumento at ng position papers mula sa mga respondents ay napag-alaman na ang dalawang programa ay lumabag sa Presidential Decree No. 1986 at ang Implementing Rules and Regulations nito.

 

 

“Ang mandato ng MTRCB ay protektahan ang mga manonood mula sa hindi angkop na mga panoorin, lalo na sa Telebisyon kung saan ang lahat ay may malayang access. Batay sa mga prinsipyo ng tamang proseso at katarungan, matibay ang aming paninindigan na ipatupad ang aming pananagutan sa regulasyon ng content ng media,” sabi ni MTRCB Chairperson Lala Sotto.

 

 

Batid ng Board na ang mga katwiran ng mga respondents ay hindi kapani-paniwala at hindi kumbinsing. Dahil diyan, pinalawig ng MTRCB ang suspensiyon sa dalawampu’t-walong (28) araw, mula sa orihinal na labing-apat (14) na araw na preventive suspension.

 

 

Noong ika-11 ng Enero 2024, nagsumite ang mga respondents ng mga MR. Matapos ang maingat na pagsusuri ng mga isinumiteng mga mosyon, ibinasura ng MTRCB ang mga MR sa dahilang inulit lamang nila ang mga nauna nilang argumento.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Pagbaril ng senglot na parak sa leeg ng 52-anyos na ale ‘hindi isolated case’ — DILG

    Maaaring mas madalas pa kaysa sa gustong aminin ng gobyerno ang mga nangyayaring karumal-dumal na pagpatay ng mga kawani ng Philippine National Police sa mga sibilyan, pag-amin ng Department of the Interior and Local Government.     Martes lang nang arestuhin si Police M/Sgt. Hensie Zinampan, na nakuhanan ng video nang patayin ang nakaalitang 52-anyos na si […]

  • Kaso ng COVID-19 posibleng pumalo sa 35K sa eleksyon – DOH

    MAAARING magkaroon ng halos 35,000 akti­bong kaso ng COVID-19 sa araw ng eleksyon sa Mayo 9, dahil sa patuloy na pagbaba nang pagsunod sa minimum public health standards (MPHS), ayon sa Department of Health (DOH).     Sinabi ng DOH na sa naging pagtaya ng mga eksperto sa epidemiologic modelling, ang bansa ay maaaring nagkaroon […]

  • Truck ban, suspendido sa loob ng 2 -week ECQ sa NCR

    SUSPENDIDO ang ipinatutupad na truck ban sa Kalakhang Maynila sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20, 2021.   Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos na layon nito na maging dire-diretso ang delivery […]