• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘P90-M na bayad sa Smartmatic, ‘hold’ muna, pending data breach issue’

TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na hindi nila pababayaan ang isyu ng data breach kontra sa Smartmatic, kahit abala sila sa paghahanda sa halalan.

 

 

Matatandaang nakaladkad ang technology provider dahil dating tauhan ng kumpanya ang iniuugnay sa isyu at pasilidad pa nila ang ginamit sa paglalabas ng impormasyon.

 

 

Kaya naman nangako si Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na habang wala pang resolusyon sa naturang kontrobersiya, kanila munang iho-hold ang P90 million na bayaran sa kompaniya.

 

 

“So far, we have not put in any of these except to withhold payment to Smartmatic. I have not signed the voucher for the payment to Smartmatic in amount of P90 million pursuant to our contract because we want to clear this matter about this leakage… of some data,” wika ni Pangarungan.

 

 

Maliban dito, may iba pang mga hakbang na inihahanda ang legal department ng poll body laban sa Smartmatic.

 

 

Pero kung masisiguro umano na inosente ang technology provider, ibibigay din naman ng komisyon ang kaukulang bayad para sa nasabing kompaniya.

 

 

“Once we are convinced that Smartmatic is innocent about this leakage of the data,” pahayag pa ng opisyal. (Daris Jose)

Other News
  • Ads December 17, 2020

  • ‘Drone Squadron’, inilunsad ng QCPD

    INILUNSAD  ng Quezon City Police District (QCPD)  sa pangunguna ni P/BGen. Nicolas Torre III, ang kanilang sari­ling ‘drone squadron’ sa Camp Karingal sa Sikatuna Village, nabatid kahapon.     Ayon kay Torre, ide-deploy nila ang mga drones upang magbigay ng seguridad sa publiko at sawatain ang kriminalidad sa lungsod.     “We will deploy drones […]

  • Nationwide face-to-face learning makadaragdag ng P12 bilyong piso kada isang linggo sa ekonomiya —NEDA

    MAKATUTULONG ang nationwide resumption ng face-to-face o in-person classes para makabawi ang ekonomiya ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.     Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary at National Economic and Development Authority (NEDA) chief Karl Kendrick Chua na ang pagbubukas ng lahat ng 60,743 eskuwelahan para sa “in-person learning” ay makapagpapataas ng economic activity ng […]