P936 MILYON NA ASUKAL, NATUKLASAN SA BODEGA SA BULACAN
- Published on September 13, 2022
- by @peoplesbalita
NAGSAGAWA ng inspeksyon ng Bureau of Customs (BOC) kasama ang ilang ahensya ng gobyerno ang ilang warehouse sa Meycauayan Bulacan nitong Huwebes
Naglabas ang BOC ng siyam na Letter of Authority at Mission Orders laban sa mga may-ari, kinatawan, o sinumang may hawak ng mga imported na kalakal na nakaimbak sa mga bodega.
Natuklasan sa isinagawang inspeksyon ang 11,717 sako ng local sugar na may assorted brnads at 50,182 sako ng Mithr Phol Pure Refined Sugar mula Thailand sa B3L5 Kendex Drive, Polyland Industrial Subdivision; at 60,876 sako ng imported na assorted brands mula Thailand sa Edison Lee Mktg Dazo Compound.
Gayundin ang 1,860 sako ng Mithr Phol Pure Refined Sugar mula sa Thailand ang natagpuan sa Olympia Street, Sterling Industrial Park; habang 62,734 locally produced na asukal na may iba’t ibang tatak, gayundin ang mga kitchenware at GM na produkto, ay natagpuan sa Copper Street, Muralla Industrial Park.
Tinatayang nasa P936 milyon ang halaga ng kalakal na natagpuan sa mga bodega ng asukal
Ang mga kinatawan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ay hindi nakiisa sa pagpapatupad ng mga LOA ngunit naroroon sila sa panahon ng imbentaryo upang matukoy kung ang mga lokal na nakaimpake na asukal ay talagang lokal na ginawa dahil sa mga ulat ay nagsasaad na ang nasabing smuggled na asukal ay nire-repack upang maging lokal na produkto.
Binigyan naman ng BOC ang mga may-ari o kinatawan ng mga bodega ng 15 araw upang magprosinta Ng dokumento bilang patunay na ang kanilang kalakal ay legal na inimport sa bansa.
Patuloy namang binabantayan ang mga bodega habang nakabinbin ang pagsusumite ng mga dokumento.
“We have to be on our toes 24 hours 7 days a week. You will see that our teams have been operating round the clock, even on weekends. This shows the determination of this administration in making accountable the groups that could be helping this sugar crisis blow out of proportion,” sabi ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz.
Ang operasyon ay bahagi ng marching order sa Bureau of Customs ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang siyasatin ang mga bodega na sinasabing nag-iimbak ng asukal sa gitna ng krisis sa suplay ng asukal sa bansa. (Gene Adsuara)
-
Pinsala ng ASF sa mga babuyan sa bansa umaabot na sa P32-B
HALOS umaabot na sa P32-B ang umano’y nawala na sa swine industry sa bansa mula noong mapasok ang bansa ng African Swine Fever o ASF na naging salot na sakit sa mga baboy na ikinamatay ng mga ito. Ayon sa Bureau of Animal Inustry (BAI) , 31 probinsya sa buong bansa ang naapektuhan na […]
-
‘RICKY AND MORTY’ NOW STREAMING ON HBO GO
WE have some seriously schwifty news to report! HBO GO subscribers are in for an irreverent viewing treat as the world’s number one animated comedy, Rick and Morty, is added to the streaming service in Asia. Fresh from its Emmy win, Seasons 1-4 of the show is now available to stream. Rick and […]
-
Kaso ng pertussis, tigdas lumobo – DOH
HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpabakuna matapos ang biglang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso ng pertussis o ubong dalahit at measles o tigdas sa bansa. Sa datos ng DOH, sa unang 10-linggo ng nakalipas na mga taon ay mababa lamang ang naitatalang mga kaso ng pertussis. […]