Pinsala ng ASF sa mga babuyan sa bansa umaabot na sa P32-B
- Published on September 30, 2020
- by @peoplesbalita
HALOS umaabot na sa P32-B ang umano’y nawala na sa swine industry sa bansa mula noong mapasok ang bansa ng African Swine Fever o ASF na naging salot na sakit sa mga baboy na ikinamatay ng mga ito.
Ayon sa Bureau of Animal Inustry (BAI) , 31 probinsya sa buong bansa ang naapektuhan na ng ASF kung saan umabot na sa 344,000 na mga alagang baboy ng mga magsasaka ang isinailalim sa culling operation na umaabot na sa 20% na impact ng ibinaba nito sa industriya ng babuyan kung saan labis na naapektuhan dito.
Sinabi ng BAI na malaki ang naitulong ng mahigpit na quarantine checkpoints bunsod ng mahigpit na quarantine classifications ngunit ng lumuwag ito ay unti- unti nanamang tumaas ang kaso ng ASF sa bansa. Isa rin sa sinasabing pinag mulan ng pag pasok ng ASF sa bansa ay sa paliparan kungsaan hindi umano naging mahigpit ang mga tinatawag na animal quarantine doon.
Ayon pa sa BAI na malaki ang naitulong ng mahigpit na quarantine checkpoints bunsod ng mahigpit na quarantine classifications ngunit ng lumuwag ito ay unti-unti nanamang tumaas ang kaso ng ASF sa bansa.
Habang nananatili namang ASF Free ang Visayas at Mindanao, maliban lamang sa bahagi ng Davao Occidental. Hindi rin dapat umano ito maging dahilan ng pag taas ng presyo ng karne ng baboy sa merkado. (Ronaldo Quinio)
-
PSC very proud sa Philippine weightlifters at fencers
Gusto sana ng Philippine Sports Commission (PSC) na bigyan ng magandang pagsalubong ang mga umuwing national weightlifting at fencing teams mula sa mga sinalihang Olympic qualifying tournaments sa Tashkent, Uzbekistan. Ngunit simpleng salubong lang ang ginawa ng PSC dahil sa quarantine restrictions. “Despite the imposed lockdowns and curfews in Metro Manila, […]
-
Security guard patay sa sunog sa Valenzuela
ISANG security guard ang namatay habang malubha naman ang lagay ng kasama nito matapos sumiklab ang sunog sa isang factory at warehouse sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Ang katawan ni Joselito Pelic ay nakuha mula sa natupok na factory ng Gilvan Packaging Corporation habang ang kanyang kasama na kinilalang si Nestor […]
-
Halos P1.5M shabu nasamsam sa 6 na miyembro ng “Onie Drug Group”
NASAMSAM sa anim na miyembro ng umano’y notoryus na “Onie Drug Group” na nag-ooperate sa northern area ng Metro Manila at Bulacan ang halos P1.5 milyon halaga ng shabu matapos ang matagumpay na buy-bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan city at San Jose Del Monte (SJDM) city, Bulacan. Ayon kay […]