• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paalala ng CHR: listahan ng mga unvaccinated residents hindi dapat lumabag sa ‘right to privacy’

PINAALALAHANAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga barangay officials na hindi dapat mauwi sa paglabag sa “right to privacy” ng mga residente na makakasama sa listahan ng mga hindi bakunado.

 

 

Ang panawagan na ito ni CHR spokesperson and lawyer Jacqueline Ann de Guia ay matapos na magpalabas ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng kautusan na maghihigpit sa galaw ng mga tao na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin bakunado laban sa COVID-19.

 

 

“With the recent directive of the DILG for barangays to submit a list of unvaccinated individuals in their communities, we hope that this does not result in the breach of the right to privacy of individuals and, more importantly, not restrict the unvaccinated from accessing essential good and services,” ang pahayag ni De Guia sa isang kalatas.

 

 

Binigyang diin nito na ang pagpapanatili sa karapatang-pantao ay mahalagang konsiderasyon sa paglikha at implementasyon ng polisiya sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

 

“We cannot use the present pandemic as a justification to set aside pertinent laws and human rights standards meant to protect human rights and dignity in all situations and at all times,” aniya pa rin.

 

 

Kapag available na aniya ang inventory , sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na ang mga barangay ay maaari nang magpatupad ng paghihigpit sa mga hindi bakunadong tao sa pamamagitan ng ordinansa.

 

 

Ang imbentaryo ay isusumite kada buwan sa DILG, ayon kay Malaya. (Daris Jose)

Other News
  • 4 na tulak timbog sa shabu at damo

    APAT na hinihinalang drug pushers ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon city.   Ayon kay Malabon police chief Col. Jessie Tamayao, alas-3 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Edison Dela Cruz sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. […]

  • PDu30, hiniling sa publiko na makinig sa mga eksperto sa harap ng pagtaya na magka-COVID surge

    UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag sanang mas marunong pa sa mga eksperto at sa halip ay makinig sa mga ito.     Sinabi ng Pangulo na nakarating sa kanyang kaalaman ang nakaambang na COVID surge na una ng ibinababala ng mga eksperto.     Kaya ang hiling ng Pangulo sa […]

  • Mahigit 200 kaso ng monke mundo – EU disease agency

    UMAABOT na sa kabuuang 219 ang kumpirmadong kaso ng monkeypox virus sa buong mundo ayon sa inilabas na update report mula sa European Union disease agency.     Mahigit sa isang dosenang mga bansa na nakapagtala ng monkeypox ay sa Europa na walang direktang epidemiological links sa West o Central Africa kung saan ang disease […]