• April 2, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paalala ng Malakanyang sa mga lokal na kandidato: huwag lumabag sa batas

PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang mga lokal na kandidato na huwag lumabag sa batas.
Ang katuwiran ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang ay “Unang-una, kasi kayo po iyong magsisilbing leader eh, so dapat kayo po iyong manguna na sumusunod sa batas, so iyon lang po iyong paalala natin.”
Pinaalalahanan din niya ang security forces na manatiling ‘apolitical’ ngayong panahon ng eleksyon.
”Huwag magpagamit sa politiko, huwag magpagamit sa damdamin. Alam nila, tandaan nila na ang kanilang trabaho ay manatiling loyal sa bansa, loyal sa Konstitusyon, iyon lang po,” diing pahayag ni Castro.
Samantala, opisyal nang nagsimula ngayong araw ng Biyernes, Marso 28, ang campaign period para sa mga lokal na kandidato mula sa pagkagobernador hanggang sa miyembro ng Sangguniang Bayan.
Paalala ng sa mga lokal na kandidato, sumunod sa mga regulasyon sa pangangampanya gaya ng tamang sukat para sa mga campaign materials at ang tamang pagpapaskil nito sa mga piling lugar na pinahihintulutan ng komisyon.
2ft by 3ft ang pinapayagan sa mga posters at standee habang 3ft by 8ft naman sa mga streamers.
Pinaalalahanan din ang mga lokal na kandidato sa pangangampanya gamit ang TV at radyo, kung saan pinapayagan lamang sila na magkaroon ng 60-minute airtime sa mga TV stations habang 90 minutes naman sa mga radyo.
Papasok na rin ngayong araw ang regulasyon ng COMELEC sa mga lokal na kandidato laban sa vote buying at paggamit ng state resources sa pangangampanya.
Ang mga lalabag sa panuntunan ng COMELEC ay maaaring maharap sa diskwalipikasyon.
Una nang sinabi ni Comelec Chief George Garcia na mas mainit ang kampanya pagdating sa lokal na posisyon. ( Daris Jose)
Other News
  • Estudyante, 6 pa arestado sa buy-bust sa Caloocan at Valenzuela

    Timbog ang pitong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang 17-anyos na estudyante na na-rescue sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela at Caloocan cities.     Dakong 11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro […]

  • Taas pasahe sa PUJ tiyak na bago matapos ang taon

    TINIYAK ng Land Transportation Frachising and Regulatory Board (LTFRB) na tataas ang pamasahe sa mga public utility jeepneys (PUJs) bago matapos ang taon.       Ito ay dahil na rin sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo na naitala sa ika-10 linggo na tinawag ng LTFRB na hindi pangkaraniwan.       Ayon […]

  • PDu30, patuloy ang ginagawang paglilinis sa pamahalaan

    PATULOY ang ginagawang paglilinis ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamahalaan.   Sa katunayan, binasa at inisa-isa ni Pangulong Duterte ang mga pangalan ng mga sinibak sa tungkulin dahil sa iba’t ibang reklamo.   “Well, just to show that we are in the process of still cleansing government, ang na-dismiss sa service, si Rodrigo — […]