• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paalala ni PBBM sa Air Force: Keep assets ‘ready’ for deployment

PINAALALAHANAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos, Jr. ang Philippine Air Force (PAF) na panatilihin ang lahat ng assets na  “ready to go,” binigyang-diin ang mandato nito na maging  “first line of defense against external security threats”  ng bansa.
Ang pahayag na ito ni Pangulong Marcos ay matapos niyang personal na  inspeksyunin ang tatlong  recommissioned C-130 units ng PAF.
“Should any unfortunate events happen, we must be able to assess and to be able to respond quickly,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati.
“I therefore direct the Philippine Air Force and the AFP to continue developing your capabilities for conducting maintenance and repair to keep all our military assets ready to go,”aniya pa rin.
“Remain steadfast as you continue to perform your duties especially in the crucial role as the country’s first line of defense against external security threats,” dagdag na wika nito.
Binigyang diin ng Pangulo ang pangangailangan na magsagawa ng routinary checkup at regular engineering services para sa dagdag na safety requirements at magbigay ng   extensive training sa mga magpapalipad at gagamit ng  assets ng PAF.
“We cannot afford to waste any time in the mission to save lives, therefore the existence of this air assets is crucial to ensure that information, aid, and responder are made available to effectively help affected areas,” ayon sa Pangulo.
“I would like to convey and remind everyone of the sheer importance and of air worthiness and structural integrity of our air assets to ensure their effectiveness and guarantee the safety of their users,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “Maintenance and repair are key aspects of our operations as well as important decision points in the acquisition of additional assets.”
Sa ulat, bumili ang Pilipinas ng  C-130 aircraft na may  tail numbers  na 5011 at 5040 noong  2016 at ipinadala ang mga ito para sa  “extensive repair and maintenance” noong nakaraang taon, ayon sa impormasyon mula sa  PAF.
Ang dalawang units, nagkakahalaga ng $55.60 million, ay binili sa Estados Unidos sa ilalim ng  Excess Defense Articles program.
Bagama’t hindi direktang binanggit ng Pangulo ang usapin ukol sa  South Chine Sea, sinabi nito na siya’y nakatitiyak na ang “partners” ng Pilipinas ay “will be more than willing to aid us in developing your capabilities in making the necessary investments to ensure that we achieve our shared goals for the country and for this region.”
“I recognize the Philippine Air Force as well as express my appreciation to our partners in the US government and Portugal for making all these possible,” ayon sa Pangulo.
“It is a testament not only to our enduring friendship but also of your support to the Philippines’ agenda of enhancing our country’s air transport defense and disaster response capabilities,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
Other News
  • Cheng muling papapako sa F2 Losgistics Cargo Movers

    NASA F2 Logistics Cargo Movers ng semi-professional Philippine SuperLiga (PSL) ang star volleyball player na si Desiree Wynea ‘Des’ Cheng sapul noon pang taong 2016.     At base sa kanyang Instagram account story, wala siyang planong tumawid ng liga (professional Premier Volleyball League) o lisanin ang kasalukuyang koponan.     Nagkaroon ng tanungan kasama […]

  • Dahil sa korapsyon, 5 hanggang 6 na Cabinet members, sinibak sa puwesto

    ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may lima hanggang anim na miyembro ng kanyang gabinete ang sinibak nito dahil sa korapsyon.     “When I became President, I heard reports of corruption. So si [Acting Environment] Secretary [Jim] Sampulna is new because I fired them all. I won’t name anybody because it’s painful for […]

  • Netizens lumuwa ang mga mata sa suot na luxury jewelry brand ni MARIAN na ini-endorse ni SONG HYE KYO

    PURING-PURI ng netizens ang ginawang effort ni GMA Primetime King Dingdong Dantes na mabigyan ng memorable, intimate and very elegant birthday party ang asawa na si Marian Rivera na nag-celebrate ng 37th birthday noong August 12 kahit ECQ na naman.     Ang bongga naman talaga nang pina-set-up ni Dingdong ang bahay nila na fit na fit sa […]