Paano gagawin ng libreng cards sa cashless fare daw?
- Published on October 14, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI katanggap tanggap kay DOTr Sec. Art Tugade na mamigay ng 125,000 cards lang ang Beep sa mga pasahero. At sangayon ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) dito.
Ang magiging problema lang ay ang pamamahagi ng cards. Kung mag prioritize sila ng mga indigent, unemployed o minimum-wage earners baka kailangan pang mag sumite ng katibayan para sa isang Beep card lang.
At gasino lang naman ang 125 thousand cards sa milyun-milyon pasahero! Baka maging problema lang. May mungkahi po ang LCSP – kung hindi kaya ng Beep na ipamigay ng libre ang mga cards ay dapat lang at panahon nang mag-accredit ng ibang providers na may mai-o-offer na mas papabor sa pasahero at sa pamahalaan na rin.
At mungkahi rin ng LCSP na gumamit ng QR Code para sa single journey system para wala ng card na binabayaran. Kung card naman gagamitin maaring mag offer ng advertisement na ilalagay sa card para mai-libre ang gastos sa card.
Halimbawa isang fastfood chain logo ilagay sa mga cards. Hindi ito bagong ideya dahil kahit sa eroplano yung pinaminigay na arrival form ay may advertisement ng isang kilalang klinika ng pagpapaganda.
Maliwanag ang direktiba ng Presidente – ilibre sa mga pasahero ang card. Tutol din ang LCSP na gamitin ang pondo ng gobyerno para pambili ng card dahil ang suma tutal ay taxpayers money ang gagamitin puwes hindi rin libre. Sa usaping ito sana ay manaig ang kapakanan ng pasaherong Pilipino at hindi ang monopolyong negosyo. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
Balik directing na sa Viva Films: XIAN, excited na ipapanood ang upcoming movie niya
BALIK directing ang hunk Kapuso actor na si Xian Lim and this time ay para sa Viva Films. Si Xian mismo ang nag-announce nito sa pamamagitan ng kanyang Instagram account tungkol sa upcoming project niyang “Kuman Thong.” Ang Kuman Thong ay isang bagay na naglalaman raw ng makapangyarihang espiritu ng bata. Lahad […]
-
Travel ban sa Taiwan, binawi na ng pamahalaan
Binawi na ng pamahalaan ang pag-iral ng travel ban sa Taiwan. Dahil dito, maaari na muling makabiyahe anuman ang nationality mula Pilipinas patungong Taiwan at mula Taiwan pabalik ng Pilipinas. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang pagbawi sa ban ay napagpasyahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease […]
-
PBBM, nakipagpulong sa mga lider ng Filipino-Chinese business community
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) upang talakayin ang economic recovery post-COVID-19 ng bansa. Sa isang post sa pamamagitan ng kanyang official Facebook page, nakipagpulong si Pangulong Marcos, araw ng Sabado, sa mga opisyal ng FFCCCII sa Malacañang […]