• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pabuya para maaresto ang pumaslang kay Percy Lapid pumalo na sa P6.5-M

PUMALO  na sa P6.5 milyon ang nakalaang pabuya sa pag-aresto sa pumatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

 

 

Inanunsiyo kasi ni House Speaker Martin Romualdez na nag-ambag ang mga kongresista at umabot ito ng P5 milyon.

 

 

Magugunitang unang nagbigay ng P1-milyon na pabuya ang kaibigan ng pamilya habang mayroong P500,000 ang inilaan mula sa sariling pera ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.

 

 

Sinabi ni Romualdez na nababahala siya nangyari kay Lapid o Percival Mabasa sa tunay na buhay.

 

 

Dagdag pa nito na mahalaga na maprotektahan ang kaligtasan ng mga mamamahayag sa bansa.

 

 

Magugunitang gabi ng Oktubre 3 ng pagbabarilin si Mabasa sa Barangay Talon Dos, Las Piñas habang ito ay patungo sa kaniyang online program. (Daris Jose)

Other News
  • NBA players na nabakunahan, nasa 95 % na

    Dumami pa ang bilang ng mga NBA players na naturukan na ng COVID-19 vaccines.     Ayon kay NBA executive director Michele Roberts na nasa halos 95 percent ng mga manlalaro na ang nakatanggap na ng kanilang first dose.     Ang nasabing pagtaas ng bilang ng mga nagpapabakuna ay bunsod ng kautusan na limitado […]

  • Ads June 13, 2022

  • 8 drug suspects timbog sa buy-bust sa Valenzuela

    Walong hinihinalang drug personalities kabilang ang isang ginang ang arestado matapos makumpiskahan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.     Sa report ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang […]