Pacquiao alangan kay Golovkin
- Published on August 26, 2020
- by @peoplesbalita
SOBRANG bigat.
Ito ang isang rason kaya ayaw kagatin ni reigning World Boxing Association (WBA) super featherwerwight champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquaio si Gennady Golovkin ng Kazakstan sa sandaling magbalik sa ruwedang parisukat.
Ayon sa fighting senator, may kataasan ang timbang na 159.2 lbs. si Golovkin sa nakaraang pakikipagbanatan kay Sergiy Derevyanchenko ng Ukraine kung ihahambing sa bigat niyang 146.5 sa huling pakikipag-umbagan kay Keith Thurman ng USA.
Ayon pa kamakalawa sa Pambansang Kamao, papatulan niya si Golovkin kung sa welterweight limit 147-pound sila magkakasundo.
Iminungkahi naman ng dati niyang mentor na Amerikanong si Freddie Roach na kasahan niya si Gennady para sa middleweight world title. (REC)
-
Walang “favoritism” sa distribusyon ng Covid-19 vaccine
WALANG “favoritism” sa distribusyon ng COVID-19 vaccines sa iba’t ibang panig ng bansa. Ito ang tugon ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa sinabi ni dating Health secretary at ngayon ay Iloilo Representative Janette Garin, na mayroong “palakasan” o patronage system sa pamamahagi ng COVID-19 vaccines. “Dini-distribute natin ang ating mga vaccine […]
-
SONA NI PBBM, NAKATUON SA EKONOMIYA
EKSAKTONG alas-3:33 ng hapon nang dumating sa Batasang Pambansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang unang State Of the Nation Addres (SONA) kahapon, July 25. Dumiretso ang Pangulo sa Executive Lounge ng Kongreso kasama ang kanyang may bahay na si Lisa at Executive Secretary Vic Rodriqguez, mga senador at iba pa. […]
-
Mga bansang magbibigay ng securities para sa FIFA World Cup dumating na sa Qatar
DUMATING na sa Qatar ang ilang mga sundalo mula sa ibang bansa na para magbigay ng seguridad sa FIFA World Cup na gaganapin sa huling linggo ng Nobyembre hanggang Disyembre. Mayroong 13 bansa kasi ang nangako na magpapadala sila ng mga sundalo sa Qatar para tumulong sa pagbibigay ng seguridad. Nitong nakaraang mga linggo lamang […]