• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao balik-ensayo para sa exhibition match

BALIK-ENSAYO na si eight-division world champion Manny Pacquiao para paghandaan ang exhibition match nito kay Korean YouTuber DK Yoo na idaraos sa Disyembre 10 sa South Korea.

 

 

Bagama’t isang exhibition match lamang ito, nais pa rin ni Pacquiao na buhusan ng oras ang paghanda para dito dahil hindi biro sumalang sa isang boxing fight.

 

 

Kaya naman hangad ni Pacquiao na mapanatiling mataas ang kundisyon ng pangangatawan nito upang masiguro na handa ito sa laban bago tumulak patungong South Korea.

 

 

Sa isang video, sumalang si Pacquiao sa ilang training session sa gym nito sa General Santos City.

 

 

Kitang-kita ang bagsik at lakas ng kamao nito sa bawat suntok na bini­bitawan nito.

 

 

Pinaghahandaan ni Pac­quiao ang laban na tatawaging 2022 Special Boxing Match Pacman vs DK Yoo.

 

 

Excited na si Yoo na makasagupa ang isang boxing legend na tulad ni Pacquiao.

 

 

“For special match with Pacquiao,” ani Yoo sa kanyang naunang post.

 

 

Kailangan ding pag­handaan ni Pacquiao ang laban dahil hindi rin birong kalaban si Yoo dahil may experience ito sa martial arts.

 

 

Si Yoo ay isang sports and fitness instructor at founder ng Warfare Combat System.

 

 

Kaya naman posibleng makapagbigay ito ng magandang laban kay Pacquiao.

 

 

Retirado na sa professional boxing si Pacquiao kung saan huli itong nasilayan sa aksyon noong Agosto.

 

 

Lumasap ito ng unanimous decision loss kay Cuban Yordenis Ugas sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Other News
  • “SUZUME” UNVEILS OFFICIAL TRAILER AHEAD OF MARCH 8 OPENING IN PH

    WARNER Bros. Philippines has just released the official trailer of the eagerly anticipated film Suzume opening in cinemas nationwide starting March 8, 2023.     YouTube: https://youtu.be/IGzBYaPNQRM     In one week, Suzume’s journey begins. Don’t miss the NEW #15 All-Time Film in Japan from Makoto Shinkai, the director of your name. and Weathering With You.  Doors have started opening for advance screening […]

  • Saso ibabalik ang bangis

    NAWALA SA ang pamatay na porma ni Yuka Saso kaya nagdaang limang torneo’y isang top 10 lang ang pinakamataas na tinapos sa 12 th Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020, magbuhat nang makadalawang sunod tagumpay sa mayamang paligsahan sa kontinente.   Desidido ang 19-anyos na Fil-Japanese na tubong sa San Ildefonso, Bulacan […]

  • PDu30, may hawak ng shortlist ng mga kandidato para maging susunod na hepe ng PNP

    NAKASISIGURO si Presidential Spokesperson Harry Roque na mayroon nang hawak na listahan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng mga posibleng kandidato para maging susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).   Nakatakda na kasing magretiro sa susunod na linggo si Outgoing PNP Chief Camilo Cascolan.   Iyon nga lamang ay wala pang impormasyon si […]