Pacquiao bilib kay Marcial
- Published on August 4, 2021
- by @peoplesbalita
Kabilang si eight-division world champion Manny Pacquiao sa mga nag-celebrate matapos umabante sa semifinals si Eumir Felix Marcial sa Tokyo Olympics.
Naitarak ni Marcial ang impresibong first-round knockout win kay Arman Darchinyan ng Armenia sa men’s middleweight quarterfinals kahapon sa Kokugikan Arena.
Ang panalo ang nagbigay katiyakan kay Marcial ng awtomatikong tansong medalya.
At naniniwala si Pacquiao na kayang-kaya ni Marcial na masungkit ang inaasam na gintong medalya.
“Looks like Eumir Marcial is ready for the gold rush. Congratulations on your first-round knockout victory into the medal round. #Olympics,” ayon sa post ni Pacquiao sa social media.
Si Marcial ay bahagi ng MP Promotions kung saan nagsanay ito sa Wild Card Gym sa Hollywood, California kasama sina Hall of Famer Freddie Roach at strength and conditioning expert Justine Fortune.
Dalawang panalo na lamang ang kailangan ni Marcial para maisakatuparan ang minimithing gintong medalya para sa Pilipinas.
Nauna nang ipinangako ni Marcial na ibubuhos nito ang lahat upang makamit ang pangarap na ginto.
-
Reassessment ng listahan ng 4Ps list, matatapos sa Setyembre-DSWD
MATATAPOS sa Setyembre ang ginagawang reassessment ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa press briefing sa Malakanyang na may 700,000 pamilya ang ni-reassessed upang makita kung kailangan na ikonsidera pa ang mga ito bilang mahirap at maging […]
-
Next fight ni Pacquiao pinaplantsa na!
Pinaplantsa na ang susunod na laban ni eight-division world champion Manny Pacquiao na inaasahang isisiwalat ng kampo nito ngayong linggo. Ayon kay Pacquiao, ilang bagay na lamang ang inaaayos bago ihayag ang pangalan ng makakasagupa nito sa kanyang laban na target idaos sa Abril o Mayo. Mahigit isang taon ding hindi […]
-
PBBM, ipinag-utos ang konsolidasyon ng mga pag-amyenda sa procurement law
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang konsolidasyon ng panukalang pagbabago o amiyenda sa decades-old Republic Act (RA) 9184 o Government Procurement Reform Act (GPRA). Nagbigay ng direktiba ang Pangulo ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman sa sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang kasama ang mga miyembro ng gabinete. “During […]