Pacquiao-Crawford fight pang-drumbeat sa FIFA World Cup
- Published on November 27, 2020
- by @peoplesbalita
Sakaling maikasa ang laban, planong dalhin ang mega fight sa pagitan nina Manny Pacquiao at Terence Crawford sa Doha, Qatar bilang bahagi ng drumbeating para sa 2022 FIFA World Cup.
Ayon kay Top Rank Promotions chief Bob Arum, nakikipag-ugnayan na ito sa ilang matataas na opisyales ng Qatar upang maikasa ang Pacquiao-Crawford fight.
Kabilang na sa mga kinakausap ni Arum ang chief organizer ng 2022 FIFA World Cup na si Hassan Al-Thawadi na tinukoy nitong malaki ang interes sa boksing partikular na kina Pacquiao at Crawford.
“He’s a big fight fan. He really is very enthusiastic,” ani Arum.
Naghahanda ang Qatar sa pinakamalaking torneong iho-host nito — ang FIFA World Cup na dadaluhan ng world-class football teams sa buong mundo.
Itinuturing itong kalebel ng Olympic Games dahil ang football ang pinakapopular na sport sa buong mundo.
Kaya naman ginagawa ng Qatar ang lahat upang maging matagumpay ang FIFA World Cup na idinadaos lamang tuwing kada apat na taon.
At isa ang Pacquiao-Crawford fight sa mga nakikitang posibleng makatulong sa pag-iingay para sa FIFA World Cup.
-
Mindoro humakot ng mga coach
Kung ang ilang mga koponan mga manlalaro ang sinusungkit upang magpalakas, iba naman ang Mindoro Tamaraws na naghahanda sa 4th Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 2020-21. Humakot ang team ng coaching staff sa pangunguna ni former University Athletic Association of the Philippines (UAAP) coach Joe Silva na minsang nagmando sa University of the East […]
-
P750 nationwide minimum wage hike, inihirit
INIHAIN sa Kamara ang P750 daily wage increase sa lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa. Sa ilalim ng House Bill 7568 ng Makabayan bloc solons na sina House Deputy Minority Leader France Castro, House Assistant Minority Leader Arlene Brosas at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, sakop din ng panukala […]
-
Luke 6:38
Give, and it will be given to you.