• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao dapat labanan si McGregor- Del Rosario

ANG  pagsagupa ni retired world eight-division champion Manny Pacquiao kay Ultimate Figh­ting Championship (UFC) star Conor McGregor ang dapat maitakda.

 

 

Ito ang paniniwala ng retiradong taekwondo li­ving legend na si Monsour del Rosario sa hinihintay ng mga fans na exhibition match nina Pacquiao at McGregor.

 

 

“It’s still the fight that people would love to watch, including me because both fighters are real certified crowd drawer in their res­pective sports,” sabi ni  del Rosario, ang 1987 at 1989 Southeast Asian Games gold medalist.

 

 

Idinagdag ng 1985 Seoul, Korea World Championships bronze medalist at 2017 Taekwondo Man of the Year na ang McGregor fight  ang magpapasok kay Pacquiao ng malaking pera na maaari nitong gamitin para sa kanyang charitable cause.

 

 

Kamakailan ay inihayag ng dating Senador ang kanyang exhibition bout kay South Korean YouTuber DK Yoo sa Disyembre.

 

 

Ang Paradigm Sports Management (PSM) na nasa ilalim ng CEO Audie Attar ang manager ni McGregor.

 

 

Ngunit may nakasampang legal case ang PSM sa 43-anyos na si Pacquiao sa Superior Court of California dahil sa breach of contract noong 2021.

Other News
  • PDU30, hinawakan ang West Philippine Sea dispute ng “maingat at walang pag-aalinlangan”

    “CAREFULLY and decisively,” ang naging paghawak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa maritime dispute  sa West Philippine Sea (WPS).     “The China-Philippine relationship has been placed on a better platform and has now been… better than what we experienced the last six years,” ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar.     “This is […]

  • Palasyo sa Kamara: Unahin ang 2021 budget sa special session bukas, bago ang pulitika

    DUMISTANSYA ang Malacañang sa isinagawang session ng kampo ni Mariqudue Rep. Lord Alan Velasco sa isang sports club sa Quezon City kung saan hinalal itong speaker ng Kamara.   Pero muling binigyang-diin ni Presidential Spokesman Harry Roque ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat isantabi muna ang pulitika o isyu ng House leadership at […]

  • Maraming katao patay sa banggaan ng sasakyan na may dalang pampasabog sa Ghana

    HINDI bababa sa 10 katao ang nasawi matapos ang naganap na malakas na pagsabog sa Ghana.     Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan, bumangga ang isang motorsiklo sa sasakyan na may dalang mga pampasabog.     Dahil sa pagsabog ay gumuho ang ilang gusali at nadamay ang mga nakaparadang sasakyan.     Maraming mga […]