Pacquiao ensayo agad sa Vegas
- Published on August 19, 2021
- by @peoplesbalita
Walang tigil sa ensayo si People’s Champion Manny Pacquiao na sumalang agad sa magagaan na workout nang dumating ito sa Las Vegas, Nevada.
Nasa Las Vegas na ang Pinoy champion para sa laban nito kay Yordenis Ugas sa Linggo (oras sa Maynila).
May apat na oras na land travel din ang biniyahe ni Pacquiao mula Los Angeles, California patungong Las Vegas, Nevada sakay ng kanyang itim na Mitsubishi SUV.
Kasama ni Pacquiao sa sasakyan ang kanyang pamilya.
Ngunit walang pahi-pahinga para sa Pinoy champion dahil sumailalim agad ito sa ilang workout para pagpagin ang ilang oras na pagkakaupo sa sasakyan.
Tapos na ang mabibigat na workout ni Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.
Sa katunayan, bago umalis ng Los Angeles, sumailalim pa si Pacquiao sa ilang sparring sessions.
Bantay-sarado rin ang diet ni Pacquiao para masiguro na nasa tamang timbang ito bago ang official weigh-in sa Sabado (oras sa Maynila).
Ipinalit na kalaban ni Pacquiao si Ugas na kasalukuyang nagmamay-ari ng World Boxing Association (WBA) welterweight belt.
-
Pinsala ni bagyong Odette sa Agri sector , malapit ng pumalo sa P13 bilyong piso —DA
MALAPIT nang pumalo sa P13 bilyong piso ang pinsala sa agriculture sector dahil sa naging pananalasa ng bagong Odette. Ayon sa pinakabagong tally na ipinalabas ng Department of Agriculture (DA), ang “damage and losses” dahil sa kalamidad ay P12.7 bilyon “as of January 12, 2022.” Labis na naapektuhan ng bagyo ang […]
-
Delta variant umabot na sa Taguig
Kinumpirma kahapon ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na umabot na sa kanila ang pinangangambahang Delta variant ng COVID-19, base sa resulta ng pagsusuri sa mga samples ng COVID-19 patients. “May isa po tayong kaso ng Delta variant o iyong nanggaling sa India,” ayon kay Clarence Santos, pinuno ng Taguig Safe City Task Force […]
-
PERSONAL na binisita at kinamusta nina Mayor John Rey Tiangco, at Cong. Toby Tiangco
PERSONAL na binisita at kinamusta nina Mayor John Rey Tiangco, at Cong. Toby Tiangco ang nasa 200 pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa Tanza National High School matapos lumubog sa baha ang kanilang bahay dahil sa pananalasa ng bagyong Carina. Pinaalalahanan nila ang lahat na mag-ingat at manatili muna sa kanilang tahanan para sa manatiling ligtas ang […]