Pacquiao itinuturing na biggest challenge si Spence
- Published on June 7, 2021
- by @peoplesbalita
Aminado si eight-division world champion Manny Pacquiao na pinakamalaking pagsubok sa kanyang boxing career ang makasagupa si Errol Spence Jr.
Ayon kay Pacquiao, hindi birong kalaban ang katulad ni Spence.
Una, wala pa itong talo.
Ikalawa, hawak nito ang dalawang titulo — ang World Boxing Council (WBC) at Intrenational Boxing Federation (IBF) welterweight titles.
Ikatlo, kasalukuyan itong No. 1 pound-for-pound.
At ikaapat, mas bata ito na 31-anyos pa lamang kumpara sa 42-anyos na si Pacquiao.
“Malaking challenge ito. Big fight at ito na yung pinakamalaking challenge sa career ko. Wala pa siyang talo and siya ang NO. 1 pound-for-pound ngayon,” ani Pacquiao.
Subalit hindi nasisindak ang Pambansang Kamao dahil hindi ito humaharap sa mga pipitsuging boxers.
At handa itong ilabas ang kanyang bagsik sa oras na magkrus ang kanilang landas sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa Las Vegas, Nevada.
“Mahilig ako sa challenge. ‘Yung laban na may challenge talaga. Hindi ako lumalaban sa pipitsugin. Excited na ako na bumalik sa Las Vegas para lumaban ulit dahil matagal din akong naghintay,” ani Pacquiao.
Sumalang na sa puspusang ensayo si Pacquiao para paghandaan ang mega fight.
Kasalukuyang nakaabang ang Team Pacquiao sa anunsiyo ng World Boxing Association (WBA) para maibalik ang korona nito.
Sa oras na muling mahawakan ni Pacquiao ang WBA belt, pormal nang maituturing na unification fight ang laban nito kay Spence.
-
‘Dolomite beach’ binuksan sa publiko
Muling binuksan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko ang tinaguriang “dolomite beach” sa Baywalk sa Maynila kahapon ng umaga. Gayunman, limitado ang kapasidad ng beach at nasa 120 katao lamang kada limang minuto ang pinapayagang mamasyal sa lugar. Ayon sa DENR, mananatiling bukas ang dolomite beach sa […]
-
Ads December 9, 2020
-
Pulis, kasama pinagtulungan kuyugin ng 2 kagawad, tanod at 5 pa sa Caloocan
SA ospital ang bagsak ng isang pulis at kasamang sibilyan matapos pagtulungan kuyugin ng walong kalalakihan, kabilang ang dalawang kagawad ng barangay at executive officer (Ex-O) makaraang dakpin ang isang lalaking sangkot sa ilegal na droga sa Caloocan City. Ginagamot sa hindi tinukoy na pagamutan sina P/Cpl. Roger Lagarto, nakatalaga sa Caloocan Police […]