• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao kontra Garcia konting kendeng na lang

LUMALAKAS ang alingawngaw para sa napipintong banatan nina eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel Pacquiao at World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia ng Estados Unidos sa taong ito.

 

 

Mismong ang ama na si Henry Garcia ang atat na sagupain ng 22 taong-gulang, 5-10 ang taas at tubong California niyang anak na si Ryan ang 44-anyos, 5-6 at mula sa Kibawe, Bukidnon na Pambansang Kamao sa lalong madaling panahon.

 

 

“It’s not bizarre, it’s just two people who want to fight each other,” giit nang nakatatandang Garcia nito lang isang araw. “Ryan’s fighting a legend and Pacquiao’s fighting a rising star, so it’s not awkward at all.”

 

 

Dahil sa binawi na ang world super featherweight title ng World Boxing Association (WBA) ng Pinoy ring icon nitong Enero 27, napagkasunduan sa inisyal na usapan na itakda lang sa 10-round ang buntalan ng dalawang boksingero.

 

 

Pero kung kagatin man ng kampo ng boksingerong senador ang non-title fight, kinukunsidera rin na maging exhibition bout na lang sa kagustuhan na rin ng kanilang manok.

 

 

Huling lumaban si Pacquiao nang gapiin via split decision ang Amerikano ring si Keith Thurman noong Hulyo 2019 sa Las Vegas, Nevada. (REC)

Other News
  • 3 PATAY SA PANANAKSAK SA LOOB NG SIMBAHAN SA FRANCE

    PATAY ang tatlong katao matapos na sila aypagsasaksakin sa Notre Dame Basillica sa Nice, France.   Isa sa mga biktima na babae ay ginilitan ng leeg habang ang dalawa na binubuo ng babae at lalaki ay napatay matapos tadtarin ng saksak ng suspek.   Nabaril naman ng kapulisan ang suspek at kanila ng nasa kustodiya. […]

  • Ads May 11, 2021

  • Posibilidad na ‘external threat’ ang sanhi sa New Year’s Day glitch sa NAIA kasama sa iniimbestigahan – DOTr

    KABILANG  sa iniimbestigahan ngayon ng Civil Aviation Authority of the Philippines Aerodrome and Air Navigation Safety Oversight Office (AANSOO) ang posibilidad na “external threat” ang dahilan sa nangyaring technical glitch sa NAIA na naging sanhi sa total shutdown ng operasyon ng paliparan at pagkansela sa mahigit 300 mga international at domestic flights at nasa nasa […]