• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao, mananatiling Pambansang Kamao ng mga Filipino

MANANATILING “People’s Champ” si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao kahit natalo siya kanyang laban kay WBA welterweight champion Yordenis Ugas ng Cuba.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mananatiling matatag at hindi matitinag ang suporta ng publiko sa boxing career ng tinaguriang Pambansang Kamao.

 

“The boxing icon’s loss in Las Vegas would not diminish the honors he bestowed to our country and the joy he gave to our people,” ayon kay Sec. Roque.

 

Mananatili aniyang nakaukit sa puso ng mga Filipino si Senador Pacquiao bilang People’s Champ.

 

“Mabuhay ka, Manny!,” sigaw ni Sec. Roque.

 

Samantala, pinasalamatan naman ni Senador Bong Go si Pacquiao sa ipinamalas nitong tapang sa laban nito kay Ugas.

 

Para kay Go, si Pacquiao ay isang huwaran na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataang atleta at sa bawat Pilipino.

 

“Thank you to my fellow Senator and Mindanaoan, Manny Pacquiao, for putting up a gallant fight against reigning WBA (Super) welterweight champion Yordenis Ugas.” ayon kay Go.

 

“Senator Manny, sa muli, maraming, maraming salamat at mabuhay ka!,” dagdag na pahayag nito.

Other News
  • Inaming may pagkakataon na bumigay na at nagkasakit: AIKO, nahihirapang pagsabayin ang pagiging public servant at pag-aartista

    KAHIT walang gintong medalyang napanalunan ay hindi naman umuwing luhaan ang Pinoy world champion gymnast na si Carlos Yulo sa katatapos lamang na 2022 Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Liverpool sa England nitong November 6.     Nakopo ni Carlos ang dalawang medalya at sapat na upang ipagbunyi siya ng buong Pilipinas; nasungkit […]

  • Pagbabalik ng limited face-to-face, hindi sapilitan- CHeD

    HINDI magiging sapilitan at magiging boluntaryo lamang ang mga gustong pumasok na mga mag-aaral sa pagbabalik ng limited face-to-face classes para sa medical and allied courses.   Nilinaw ni Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera na walang sapilitan sa bagay na ito.   Kahit aniya inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang resumption […]

  • Budget cut sa PGH, inalmahan

    PINALAGAN ng unyon ng mga manggagawa ng Philippine General Hospital (PGH) ang pinababang panukalang pondo para sa pagamutan sa 2023 na tinawag nilang hindi katanggap-tanggap at nakakabahala.     “Una sa lahat ang ­unang maapektuhan po ng budget cut sa PGH ay ‘yung serbisyo na ­ibinibigay namin sa mga pasyente,”  ayon kay ALL UP Workers […]