• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao nagbalik-tanaw sa 1988 Japanese license

SA pamamagitan ng isang throwback photo, ginunita ni eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel Pacquiao ang kanyang  pro boxing license na inisyu taong 1998 pa ng Japan Boxing Commission (JBC).

 

 

Ipinaskil nitong Miyerkoles ng 42-anyos,6-2 ang taas, tubong Kibawe, Bukidnon,  kasalukuyan ding senador at huling umakyat ng ruwedang parisukat noong 2019 via split decision win kay Keith Thurman ng Estados Unidos upang maagaw ang World Boxing Association (WBA) super welterweight title, ang nasabing litrato sa Facebook account page niya.

 

 

“My boxing license from 1998. What a journey it’s been. Never thought I’d be able accomplish everything God has allowed me to accomplish in and out of the ring. I thank God every day for giving me the strength to make it this far,” wika ng Pambansang Kamao/Pinoy ring icon.

 

 

Binabalak ng hander ni Pacquiao na harapin niya si four-division champion American Mikey Garcia sa muling pakikipagbanatan sa taong ito. (REC)

Other News
  • Djokovic, nagpositibo sa coronavirus

    Nagpositibo sa coronavirus si tennis world number one Novak Djokovic.   Siya ang pinakahuling tennis player na nagpositibo sa nasabing virus kasunod nina Borna Coric, Grigor Dimitrov at Viktor Troicki.   Ang 33-anyos na si Djokovic ay siyang huling nakalaro ng kapwa Serbian player na si Troiki sa unang event ng Adria Tour competition sa […]

  • P1.65-B supplemental budget laban SA COVID-19

    LUSOT na sa House Committee on Appropriations ang P1.65 billion supplemental budget para sa gagawing hakbang sa pagharap sa problema sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.   Sa pagdinig ng komite, natukoy na P3.1 billion ang kakailanganing pondo ng Department of Health (DOH) para panlaban sa COVID-19.   Sinabi ni Health Usec. Roger Tong-an, […]

  • Mag-move on na at pagtuunan ang gagawin ni Pres. BBM: AGOT, no regrets sa pagsuporta kay VP LENI kahit ‘di nanalo

    HINDI man nagwagi bilang pangulo si Vice President Leni Robredo na sinuportahan niya nang todo, wala naman regrets si Agot Isidro sa kanyang naging desisyon.     Alam niya na pumanig siya sa tamang choice at kung hindi siya nagwagi, alam niya na nasa matuwid ang kanyang ipinaglabang kandidato.     Move on na raw […]