• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao nagpakitang gilas sa huling sparring session bago ang laban vs Ugas

Tapos na ang anim na linggong training camp ni boxing champ Manny Pacquiao para sa kaabang-abang na laban nito sa susunod na linggo.

 

 

Kahapon, apat na rounds ang ginugol ng tinaguriang fighting senator sa sparring session nito kay Abrahan Lopez.

 

 

Kinailangan ni Pacquiao ang presensya ni Lopez matapos na hindi natuloy ang laban ng Pinoy boxer kontra Errol Spence Jr., na isang southpaw.

 

 

Sa halip na si Spence, ang makakalaban ng Filipino icon ang orthodox fighter na si Yurdenis Ugas sa T-Mobile Arena sa Las Vegas sa darating na Linggo, Agosto 22 (araw sa Pilipinas).

 

 

Ayon kay Lopez, maganda ang kondisyon ni Pacquiao sa ngayon sapagkat napanatili pa rin nito ang kanyang bilis, timing, at persistence.

 

 

Walang kupas din aniya ang magandang footwork ni Pacquiao — bagay na makakatulong sa kanya laban sa mas mabagal na si Ugas.

 

 

Samantala, tiwala naman si coach Freddie Roach na sasapitin ni Ugas ang kapalaran ni Kieth Thurman, na tinalo ni Pacquiao noong 2019.

 

 

Hindi aniya kakayanin ni Ugas ang bilis ni Pacquiao kahit pa 42-anyos na ito sa ngayon.

Other News
  • Palasyo sa Kamara: Unahin ang 2021 budget sa special session bukas, bago ang pulitika

    DUMISTANSYA ang Malacañang sa isinagawang session ng kampo ni Mariqudue Rep. Lord Alan Velasco sa isang sports club sa Quezon City kung saan hinalal itong speaker ng Kamara.   Pero muling binigyang-diin ni Presidential Spokesman Harry Roque ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat isantabi muna ang pulitika o isyu ng House leadership at […]

  • Almost two years nang ginagawa at sa 2023 na maipalalabas… Direk MARK, aminadong scary ang level of expection para sa ‘Voltes V: Legacy’

    ALMOST two years nang ginagawa ng GMA Network ang live-action anime adaptation ng “Voltes V: Legacy” pero hindi pa rin ito maipalalabas this year but will be an early 2023 offering ng GMA.     Ayon nga kay Direk Mark Reyes, “The level of expectation is really scary for us but I guarantee you that […]

  • PBBM, gustong gamitin ang biofertilizers para pagaanin ang kalagayan ng mga magsasaka

    INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng kanyang  administrasyon na pagamitin na ang mga  magsasaka  ng biofertilzer para mabawasan o hindi na umasa pa ang mga ito sa mga mamahalin at imported na  petroleum-based fertilizers.     Sa isang  video message na ipinalabas ng  Presidential Communications Office (PCO), sinabi ng Pangulo na […]