Pacquiao nasa 50% na ang training – Nonoy Neri
- Published on April 14, 2021
- by @peoplesbalita
GENERAL SANTOS CITY – Nalaman na noon pa naghahanda si eight Division world champion Manny Pacquiao subalit hindi pa tinumbok kung sino ang magiging kalaban sa ring.
Habang naglabasan sa social media ang nilulutong laban kay Terence Crawford na gagawin sa Hunyo 5 sa Abu Dhabi .
Sinabi ni Nonoy Neri coach trainer sa Team Pacquiao na light training pa lamang ang ginagawa ng fighting Senator sa luob ng kanyang mansion at sa wild card gym kagaya ng pag jogging para paghandaan ang nalalapit na laban.
Dagdag ni Neri nasa 147 catch weight ang pinaghandaan ng Team Pacquiao habang 50% na ang training nito.
Sa ngayon sinimulan na ang paglimita ng mga tao na makapasok sa lugar para matutukan ang training.
Sinabi din nito na wala namang pagbabago sa coaching staff dahil pangunahan pa rin ni Buboy Fernandez ang pagsasanay habang hinihintay ang kanyang pagdating dito sa lungsod.
-
PSC inilabas na ang P3.3-M pondo para sa lalahok ng Beijing Winter Olympics
INAPRUBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang paglabas ng P3.3 milyon para sa mga lalahok sa Beijing Winter Olympics na magsisimula sa Pebrero 4. Kinumpirma ito ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino na siyang nag-request ng pondo. Tanging si Filipino-Americna alpine skier Asa Miller ang nag-iisang manlalaro ng bansa […]
-
MRT 3 at LRT: bawal mag-usap at gumamit ng cellphone sa loob ng trains
Pinagbawal ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) ang paggamit ng cellphones at mag-usap sa loob ng dalawang rail lines. Sa isang advisory mula sa MRT 3 sinabing ang polisiya ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga pasahero at sa loob ng […]
-
PBBM, aprubado ang P700-M funding para sa pagtatayo ng child dev’t centers
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang P700-million funding para sa pagtatayo ng child development centers (CDCs) sa 4th at 5th class municipalities. “Gawin na natin ito. I am thinking the daycare centers can also be CDCs. Ganoon na rin ‘yun eh. You have the same kind of training for the people. The […]