• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao nasa PH na kasunod ng laban vs Ugas; naka-quarantine na sa isang hotel sa Pasay

Dumiretso sa Conrad hotel sa Pasay City na si Sen. Manny Pacquiao kasama ang kanyang pamilya para sa kanilang 10-day quarantine matapos na dumating na sa bansa kaninang madaling araw.

 

 

Alas-3:23 ng umaga lumapag sa Ninoy Aquino International Airport mula Los Anges ang PAL 103 lulan sina Pacquiao, na kakagaling lamang sa laban kamakailan kontra Cuban boxer Yordenis Ugas.

 

 

Sinalubong si Pacquiao ng mahigit 100 na mga supporters nito mula sa iba’t ibang grupo bitbit ang kanikanilang tarpaulin kung saan nakasulat ang kanilang pagsaludo sa Pambansang Kamao.

 

 

Ayon kay Bernard Peralta, staff ni Sen. Pacquiao, pitong kwarto ang kinuha sa Conrad hotel para sa buong pamilya ng Pambansang Kamao at ilan sa mga staff nito.

 

 

Ang iba naman sa mga kasamahan ni Pacquiao ay mananatili sa magkakahiwalay na hotel.

Other News
  • UAAP crown sinakmal ng NU

    NAKUMPLETO ng National University ang matamis na 16-0 sweep upang matagumpay na masungkit ang kampeonato sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament.     Nagawa ito ng Lady Bulldogs matapos patumbahin ang De La Salle University, 25-15, 25-15, 25-22, sa Game 2 ng best-of-three championship series  kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. […]

  • KIM, pinakita ang newly renovated condo na favorite secret place at doon nagmumuni-muni

    NAG-SHARE si Kim Chiu sa kanyang mga subscriber ng YouTube channel niya ng favorite secret place niya kunsaan siya pumupunta tuwing gusto niyang mag-isa at makapag-isip-isip.   Pinakita ni Kim ang kanyang newly renovated condo unit niya na kung tawagin niya ay “home away from home”.   Pag-describe ni Kim sa kanyang sanctuary: “Sobrang liit […]

  • Same sex couples, may blessing na sa Vatican

    APRUBADO na ng Vatican noong Lunes ang mga pagpapala para sa same-sex couples, isang pinagtatalunang isyu sa Simbahang Katoliko, hangga’t wala sila sa mga kontekstong nauugnay sa mga civil union o kasal.     Sa dokumentong aprubado sa ni Pope Francis , sinang-ayunan ng Vatican ang posibilidad ng pagpapala para sa magkapareha sa irregular na […]