• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao nasa US na, 6-weeks training nalalabi bago ang big fight vs Spence

Dumating na kanina si Sen. Manny Pacquiao sa Estado Unidos para simulan ang puspusang training bilang paghahanda sa nalalapit na laban kontra sa kampeon na si Errol Spence sa Agosto 21.

 

 

Una rito, bumalik noong Sabado ang eroplanong sinakyan ni Pacquiao dahil sa medical emergency ng isang pasahero kaya lumipat sila ng ibang flight ng Philippine Airlines kahapon.

 

 

Kung maalala si Pacquiao ay merong bahay sa Los Angeles, California at malapit din doon ang kanyang trainer na si Freddie Roach at ang pamosong Wild Card Gym.

 

 

Inabot din ng dalawang taon bago nakabalik si Pacman sa US kung saan ang huling laban niya noong 2019 ay kontra kay Keith Thurman.

 

 

Sa ngayon meron na lang anim na linggo ang natitira sa training camp ng 42-anyos na si Pacquiao bago ganapin ang kanilang showdown sa T-Mobile Arena sa Las Vegas at ng 31-anyos na Spence na siyang may hawak naman ang World Boxing Council (WB) at International Boxing Federation (IBF) titles.

Other News
  • DSWD, magbibigay ng cash-for-work sa mga residenteng apektado ng oil spill

    NAKAHANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng cash-for-work assistance sa mga residenteng apektado ngĀ  oil spill dahil sa lumubog na motor tanker MT Princess Empress sa bayan ng Naujan sa lalawigan ng Oriental Mindoro noong Pebrero 28, 2023.     Sinabi ni DSWD Scretary Rex Gatchalian na nakipag-ugnayan na ang […]

  • Dahil naging matagumpay ang 2023 MMFF: COCO, may pinaplanong filmfest movie kasama sina BONG, LITO at ROBIN

    DAHIL naging matagumpay ang 2023 Metro Manila Film Festival ay maraming bigating artista ang naghahandang sumali sa 50th MMFF sa December.   On going na ang pagpaplano ng isang pang-MMFF film na pagsasamahan daw ng mga bigating senador na sina Bong Revilla, Robin Padilla at Lito Lapid.   Hindi lang daw ang tatlong senador ang […]

  • TANGGAPAN NG IMMIGRATION, SARADO PA

    MANANATILING sarado hanggang ngayon (Huwebes) ang tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila para maipagpatuoy ng mga empleyado ng ahensiya na sasailaim sa rapid anti body test para sa COVID 19 virus.     Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na halos kalahati lamang sa 700 na empleyado ang nakapag-test nitong Lunes at […]