• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao sa posibleng Spence vs Ugas bout: Walang problema sa akin

Walang nakikitang problema si Sen. Manny Pacquiao sa napabalitang laban nina Errol Spence at Yordenis Ugas. 

 

 

Magugunitang umatras si Spence sa laban nila ni Pacquiao kamakailan dahil sa injury nito sa mata dahilan kung bakit si Ugas ang nakasagupa ng Pambansang Kamao noong Agosto 22 (araw sa Pilipinas).

 

 

Sa kanyang pagdating sa Pilipinas mula America, sinabi ni Pacquiao na walang problema sa kanya sakaling matuloy nga ang Spence vs Ugas bout.

 

 

Bilang kapwa boksingero, ipinagpapasalamat ni Pacquiao ang paggaling ng injury sa mara ni Spence.

 

 

Si Pacquiao ay kasalukuyang nasa Conrad hotel na sa Pasay City para sa kanyang 10-day quarantine kasama ang kanyang pamilya at staff.

Other News
  • Pagbabalik ng limited face-to-face, hindi sapilitan- CHeD

    HINDI magiging sapilitan at magiging boluntaryo lamang ang mga gustong pumasok na mga mag-aaral sa pagbabalik ng limited face-to-face classes para sa medical and allied courses.   Nilinaw ni Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera na walang sapilitan sa bagay na ito.   Kahit aniya inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang resumption […]

  • Tanggapan ni Robredo, nagpadala ng tulong sa ash fall-hit ng bayan ng Sorsogon

    NAGBIGAY na ng relief goods ang Office of Vice President Leni Robredo para sa mga nakaranas ng ashfall mula Bulkang Bulusan.     Ang Juban, Sorsogon ay nakaranas ng ashfall mula sa nasabing Bulusan Volcano.     Sa kabilang dako, sa kanyang Facebook, sinabi ni Robredo na dumating na ang kanyang team at nagsimula nang […]

  • UMID ID ng SSS, papalitan ng ATM Pay Card

    PAPALITAN na ang re­gular UMID card na gina­gamit ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) matapos maki­pagkasundo ang ahensya sa mga bangko para sa pagpapalabas ng bagong UMID ATM Pay Cards.     Kapag mayroon nang UMID ATM Pay Cards, ang SSS members ay mas mabilis nang makakakuha sa kanilang account ng kanilang benepisyo, […]