Pacquiao, sanay na raw humarap sa mas malalaking boksingero kaysa kay Spence
- Published on July 15, 2021
- by @peoplesbalita
Itinuturing ni American boxer Errol Spence na isang matinding laban ang matutunghayan ng mga boxing fans sa pagharap niya kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao.
Sa isinagawang unang presser ng dalawang boksingero para sa August 21, 2021 na laban tiniyak ni Spence na magwawagi ito.
Alam daw niya ang kakayahan ng fighting senator sa loob ng boxing ring kaya kaniya rin itong pinaghahandaan para hindi madungisan ng pagkatalo ang kaniyang perfect 27-0 record na mayroong 21 knockouts.
Itinuturing niya na isang katurapan ng pangarap na makaharap ang legendary boxer na kahalintulad ni Pacman.
Hindi naman natinag si Pacquiao sa laki at mas batang boksingero na makakaharap dahil sanay na umano ito.
Iniaalay ng Filipino boxing champion ang laban sa buong bansa.
-
Pag-import ng 300K MT ng asukal, tinanggihan ni Pangulong Marcos
TINANGGIHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukala na mag-angkat ng karagdagang 300,000 metriko tonelada (MT) ng asukal. Ito ang inihayag kahapon Press Secretary Trixie Cruz-Angeles matapos mapaulat ang pahayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica noong nakaraang linggo na plano ng gobyerno na mag-import ng nasa 300,000 MT ng […]
-
Lao, nasa Pinas pa- Sec. Roque
WALANG indikasyon na wala na sa Pilipinas si dating Undersecretary Christopher Lloyd Lao ng Department of Budget and Management (DBM), na nasa ilalim ngayon ng Senate probe ukol sa bilyong halaga na binili di umano ng gobyerno na COVID-19 pandemic supplies mula sa maliit na kumpanya. Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry […]
-
2 kaso ng COVID-19 ‘Indian variant,’ naitala na sa Pilipinas: DOH
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon nang dalawang Pilipino na nag-positibo sa B.1.617, ang variant ng COVID-19 virus na unang natuklasan sa India. “Kasunod ng isinasagawa nating purposive genomic sequencing ng UP-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health sa mga inbound travelers na dumating sa bansa noong Abril na may […]