Pacquiao simula na sa training camp sa US
- Published on July 6, 2021
- by @peoplesbalita
Nasa Amerika na si eight-division world champion Manny Pacquiao upang doon ipagpatuloy ang training camp nito para sa unification fight laban kay reigning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight king Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila).
Bago umalis ng Pilipinas, muling iginiit ni Pacquiao na walang makapipigil sa laban at tuluy na tuloy ito.
“Tuloy ang laban!,” ani Pacquiao sa kabila ng banta ng Paradigm Sports na pipigilan nito ang laban dahil sa umano’y “breach of contract.”
Kasama ni Pacquiao na tumulak sa Amerika si chief trainer Buboy Fernandez kung saan naghihintay na sa Wild Card Gym sa Hollywood, California si Hall of Famer Freddie Roach.
Mabibigat na ensayo na ang pinagdaanan ni Pacquiao sa General Santos City kung saan sumalang ito sa ilang sparring sessions.
Ngunit inaasahang mas mataas na lebel ng training camp pa ang nakaabang kay Pacquiao sa Wild Card Gym para matiyak na handang-handa ito sa laban.
Noong Hunyo pa nagsimula sa matinding workout para sa laban si Pacquiao.
Sa Wild Card Gym din babalangkasin ng Team Pacquiao ang magiging game plan ng Pinoy champion para kay Spence.
May nakahanda nang plano si Fernandez para sa laban at inaasahang isasama pa ang sariling game plan ni Roach para lubos na matiyak ang panalo ni Pacquiao.
-
Obiena may bagong event
HINDI na matutuloy ang World Athletics-sanctioned international pole vault event na itataguyod sana ni two-time Olympian Ernest John Obiena. Nakatakda sana ito sa Setyembre 20 sa Ayala Triangle sa Makati City. Sa halip, nais ni Obiena na gagapin na lamang ito sa susunod na taon. “I am truly sorry for this. […]
-
PDu30, pinangunahan ang pag- arangkada ng National Vaccination day
PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pag-arangkada ng 3-day national COVID-19 vaccination drive na nagsimula, Nobyembre 29. Sa katunayan, personal na pupuntahan mamayang hapon ni Pangulong Duterte ang isang vaccination site sa bandang South ng Kalakhang Maynila. Bahagi ito ng pakikiisa at partisipasyon ng Pangulo sa tatlong araw na National Vaccination day […]
-
‘As of July 2024’: 67 visa-free destinations para sa Philippine passport holders
TINATAYANG may 67 bansa at teritoryo para sa isang Philippine passport holder ang maaaring magkaroon ng access kahit walang visa requirement. Ito ang nakasaad sa pinakabagong passport index ng Henley & Partners, isang residence at investment firm. Dahil dito, ang Pilipinas ay nasa rank 73 sa July 2024 Henley Passport Index, kung saan ang Singapore […]