• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao tinanggalan ng titulo

Tinanggalan ng korona ng World Boxing Association (WBA) si welterweight king Manny Pacquiao dahil bigo nitong madepensahan ang titulo sa mahabang panahon.

 

 

Mula sa pagiging “super champion,” nagpasya ang WBA Championships Committee na gawin itong “champion in recess” habang si Cuban Yordenis Ugas na ang magsisilbing “super champion” simula ngayong araw.

 

 

“Filipino Manny Pacquiao has been named Champion in Recess by the WBA in a resolution issued by the Championships Committee. Cuban Yordenis Ugas was promoted to Welterweight Super Champion,” nakasaad sa statement ng WBA.

 

 

Matagal nang hawak ni Pacquiao ang WBA belt.

 

 

Noong Hulyo 2019 pa itong sumalang kung saan pinayuko nito si American fighter Keith Thurman via split decision para masungkit ang WBA welterweight belt.

 

 

Subalit hindi na naging madali ang mga sumunod na pangyayari.

 

 

Dumanas ang buong mundo ng paghihirap dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic kaya’t bigo ang kampo ni Pacquiao na maikasa ang kanyang title defense.

 

 

Hindi naman ito kontrolado ni Pacquiao kaya’t wala itong magawa kundi sumunod sa mga health protocols at restrictions.

Other News
  • Perez, Black kikilalanin ng PBA Press Corps

    PAMUMUNUAN nina Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Aaron Black ang mga gagawaran sa PBA Press Corps PBAPC) virtual Awards Night 2021 sa Marso 7 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong.     Sa pangalawang sunod na taon, tinanghal na Scoring Champion si Perez, 27. Si Black, 30, ang mamumuno sa All-Rookie Team.     Pinag-isa […]

  • HEART, pinatulan ang netizen na nagtanong kung bakit palagi siyang naka-bra

    PINATULAN ni Heart Evangelista ang isang netizen na pumuna sa kanyang Instagram post kunsaan, nag-post si Heart na naka-bra lang at naka-denim pants.           Kinukuwestiyon ng netizen si Heart at sa suot niya.     Sabi nito, “Bakit lagi ka na lang naka bra ngayun?”           Sinagot ito ni Heart na, […]

  • Teodoro, hinikayat ang DTI na palakasin , pagtibayin ang presyo, supply monitoring para sa El Niño

    HINIKAYAT ni Defense Secretary and Task Force El Niño chair Gilberto C. Teodoro Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) na palakasin at pagtibayin ang presyo ng mga pangunahing bilihin at supply monitoring para protektahan ang mga mamimili mula sa mga mapagsamantalang manininda o nag-overcharge ng presyo sa gitna ng El Niño phenomenon.   […]